Dennis Padilla at Claudine Barretto Magsasama sa Pelikula

Martes, Agosto 8, 2023

/ by Lovely


 Makakasama ng batikang actress na si Claudine Barretto sa iisang pelikula si Dennis Padilla, dating asawa ng kanyang kapatid na si Marjorie Barretto.


Magsasama sila sa pelikulang Magic Hurts ayon na rin sa ibinigay na pahayag ni Direk Gabby Ramos.


Ang pelikulang Love Hurts ay inspired sa dating pelikulang Got to Believe nina Claudine Barretto at yumaong si Rico Yan pero may pagka-Korean umano ang vibes nito.


Pagbibidahan naman ang pelikulang ito ni Mutya Orquia at Beaver Magtalas. Kasama rin sa cast sina Angelica Jones, Ricardo Cepeda, Julian Rojas, Archie Adamos, Aileen Papin, Whitney Tyson, Reymart Roces at Maxine Trinidad.


Samantala, sa kamakailang Instagram post ni Dennis Padilla nitong August 5, 2023, ibinahagi niya ang kanyang larawan kasama ang aktres na si Claudine Barretto.


Makikitang kapwa sila nakangiti sa kamera habang nakasandal naman ang ulo ni Claudine sa balikat ni Dennis Padilla.


Ayon sa caption ni Dennis, ito umano ang unang pagkakataon na nagkasama sila ni Claudine sa iisang pelikula na kasalukuyang sinushoot sa Atok, Benguet.


"First movie with @claubarretto... Sa malamig na Atok, Benguet... MAGIC HURTS soon!! @direkgabby"


Base sa suot nina Claudine at Dennis, kitang-kita na talagang napakalamig roon dahil nakasuot sila ng makakapal na jacket at may pa scarf pa si Dennis.


Maraming mga netizens naman ang humanga at natuwa sa ipinapakitang closeness nila sa isa't-isa. Marami rin ang pumuri kay Claudine dahil sa pagiging mabait niya kay Dennis Padilla sa kabila ng isyu sa pagitan nito at sa kanyang kapatid at mga pamangkin.


Ayon pa sa ilang mga netizens na talagang si Claudine lamang ang nagpapakita ng kabutihan kay Dennis Padilla noon pa man.


"Mabait Si clau bilang hipag siya Lang Ang me malasakit ke kuya Dennis Sa halip na Si marj Ang gumawa nun Dahil me pinagsamahan naman sila at mga Anak nila Siguro marunong Lang magmalasakit Si clau Sa kapwa lalot alam niya Yung situations ni Dennis bilang ama"


"Look Ms. Claudia Baretto she is so kindhearted"


"nice to see you both in a movie. mabuti ang puso mo clau. keep it up"


"Naging malaking tulong si Claudine kina Dennis nung kasagsagan pa ng mga drama show ni Claudine sa ABS"


May ilang mga netizens naman ang humiling na sana balang araw ay magkakaayos na sina Dennis Padilla at mga anak nila ni Marjorie Barretto.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ang kagustuhan ni Dennis na magkaayos na sila ng kanyang mga anak kay Marjorie Barretto subalit, tila hindi pa ito ang tamang panahon dahil palagi na lamang siyang dinidma ng mga ito.


Samantala, ibinahagi naman ni Claudine Barretto sa kanyang Instagram account ang larawan nila ni Dennis Padilla kasama ang isa sa kanyang mga anak na si Aryanna.


Kabilang din kasi sa mga cast ng nasabing pelikula si Aryanna. Sa comment section makikita pang nagkomento si Dennis Padilla kung saan pinuri niya ang acting skills ng bata. Sinabi rin ni Dennis na natural actress ito at nagulat siya  sa galing na ipinapakita nito.


Marami naman sa mga fans ni Claudine ang excited na sa nasabing pelikula at inaabangan nila ang magiging performance ni Aryanna na tiyak umanong magaling dahil napakagaling na artista ang ina nitong si Claudine.


Ayon naman kay Direk Gabby, nakitaan niya ng potensyal ang anak ni Claudine na si Aryanna ng minsan itong isinama ni Claudine sa set ng pelikulang Loyalista na siya rin ang nagdirek.


Matatandaan na noong June, ibinahagi ni Claudine Barretto ang masayang reunion nila ni Dennis Padilla. Sa videong ibinahagi ni Claudine makikita ang emosyunal na pagyakap niya kay Dennis. Inudyukan din niya ang kanyang mga anak na yumakap rin dito.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo