Dawn Zulueta Nagbigay Na Ng Pahayag Sa Hiwalayan Nila Ng Kanyang Mister Na Si Anton Lagdameo

Lunes, Agosto 7, 2023

/ by Lovely


 Tila naglabas na ng pahayag ang actress na si Dawn Zulueta sa mga naglabasang haka-haka na tila on the rocks umano ang kanilang relasyon ng kanyang asawa na si Anton Lagdameo.


Si Antonio Ernesto "Anton" Floirendo Lagdameo Jr. ay isang Filipino politician at businessman. Nagsisilbi siya bilang Special Assistant to the President mula pa noong June 2022 sa administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos. Siya ang naging Representative sa District 2 ng Davao del Norte mula noong 2007 hanggang 2016.


Nagbalik na sa bansa si Dawn Zulueta at nakama niyang muli ang kanyang asawa na si Anton Lagdameo.


Sa kamakailang Instagram post ni Dawn Zulueta ibinahagi niya ang larawan nila ng kanyang mister na si Anton Lagdameo sa harap ng kanilang portrait sa isang art exhibit.


"So happy to be back home with my husband, our family, and dear friends!


"πŸ₯‚πŸΎπŸ‘πŸ‘πŸ‘ Big Congratulations to @provenanceartgallery , especially to @joannapreyslermanila & @raulsfrancisco for another successful art exhibit of @markrochapadernal ‘s beautiful portraits entitled UNGUARDED❣️πŸ₯‚πŸΎ

@aflagdameo & I love how Mark wonderfully captured the blissful expression of our faces — our first portrait together that Joanna entitled HOME AT LAST, perfectly marking our more than 25 years of marriage"


"Thank you, Jo, for making this happen! You were brilliantly with it every step of the way. I’m so glad I listened to you," caption ni Dawn sa kanyang Instagram post kalakip ang mga hashtag na, #Unguarded, #HomeAtLast, #MarkRochaPadernal, #provenanceartgallery.


Agad naman itong umani ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens. May mga nagsasabing paraan ito ni Dawn Zulueta upang linawin ang mga bulung-bulungan na umano'y naghiwalay na sila ng kanyang asawang si Anton Lagdameo.


May mga naglabasan kasing mga ulat kamakailan lamang kung saan sinasabing naghiwalay na ang dalawa at dahil sa paghighlight ni Dawn Zulueta sa tagal ng kanilang pagiging mag-asawa ni Anton masasabing wala itong katotohanan.


Kinasal sina Anton Lagdameo at Dawn Zulueta noong December 27, 1997. Nitong nagdaang December 28,2022, ipinagdiriwang pa ng dalawa ang kanilang silver wedding anniversary.


Kaya naman, marami ang nalungkot nang lumabas ang balitang nagkakalabuan na ang dalawa matapos ang mahigit dalawang dekada nilang pagsasama.


Sa kabilang banda, muli namang binabatikos ang veteran showbiz columnist na si Manay Cristy Fermin dahil sa umano'y pagpapakalat nito ng mga maling balita.


"Akala ko hiwalay na kayo Sabi ni Cristy Fermin"


"Wag po natin ugalin magpapaniwala sa mga matatandang showbiz reporters/vloggers na mahilig mag imbento ng kwento para manira ng tao"


"lalong lalo na si Cristy Fermin walang kwentang reporter !"



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo