David Licauco Walang Binatbat Kay Coco Martin?

Martes, Agosto 29, 2023

/ by Lovely


 Agad na umani ng samut-saring komento mula sa mga manonood ang ibinahaging trailer ng TV adaptation ng pelikulang Maging Sino Ka Man na pinagbibidahan noon nina Sharon Cuneta at Robin Padilla.


Marami ang pumuri sa pag-arte ni Barbie Forteza dahil kuhang-kuha umano ng aktres ang mata-matang aktingan na tila nakuha niya mula kay Nora Aunor.


Subalit, taliwas naman rito ang naging komento ng mga netizens sa ka-loveteam ni Barbie Forteza na si David Licauco.


Ayon sa ilang mga bashers, lalong naging trying hard itong si David Licauco at wala umano itong binatbat sa galing sa pag-arte ni Coco Martin.


May mga nagsasabi pang tiyak umanong mababa ang rating na makukuha ng Maging Sino Ka Man kapag maitapat na ito sa teleseryeng Ang Batang Quiapo.


Sa kabilang banda may mga nagtatanggol naman kay David Licauco. Ayon sa mga fans ng aktor, nakakabilib ito lalo na't ang ilang mga stunts sa nasabing teleserye ay si David mismo ang gumawa.


Sa ngayon ay inaabangan ng mga fans ng BarDa ang opisyal na pagsisimula ng Maging Sino Ka Man at doon na lamang umano husgahan kung magaling ba si David Licauco o hindi.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo