David Licauco Tinapatan Anti Selos Ni Jak Roberto!

Huwebes, Agosto 31, 2023

/ by Lovely


 Tinapatan ng aktor na si David Licauco ang JRU o ang Jak Roberto University kung saan nag-ooffer ng Anti-Selos Course, mayroon umano siyang DLSU o David Licauco Seloso University.


Samantala, umamin naman si David na talagang seloso siya. Sa ngayon ay naku-curious ang mga netizens kung saan sa dalawang Universities papasok ang karamihan, kay Jak na Anti-Selos o kay David na seloso.


"Sa tunay na buhay, seloso talaga ako pero depende na rin sa context," pag-amin ni David sa naging panayam niya kay Boy Abunda.


Bagama't seloso hindi naman umano niya pinagsasabi ang kanyang pagseselos.


Sa kabilang banda, marami naman ang nagsasabing dapat hindi na tinatapatan ni David ang anti-selos ni Jak Roberto dahil lumalabas umanong tila nakikipagkompetensya siya rito gayung kaloveteam lamang siya ni Barbie.


Samantala, sinabi naman ni David na may pagkakataon na napag-uusapan nila ni Barbie Forteza ang nobyo nitong si Jak Roberto.


Tinatawanan lamang din umano nila ang ibang mga tweets ng mga netizens.


Nagbigay din siya ng pahayag para sa mga fans na hanggang ngayon ay nagnanais na maging totoo ang kanilang relasyon ni Barbie.


Ayon kay David Licauco, dapat din nilang respetuhin ang perspective ng mga fans.


"Personally I think kailangan muna natin intindihin, na on fan's perspective kasi, humahanga sila sa amin eh. Which is why gusto nilang maging kami in real life."




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo