David Licauco, Gusto Ring Maghiwalay Ng Tuluyan Sina Barbie Forteza at Jak Roberto?

Linggo, Agosto 6, 2023

/ by Lovely


 Tila pinagtanggol ng Kapuso actor na si David Licauco ang kanilang fans ni Barbie Forteza na kilala ring BarDa fans na gustong maghiwalay ng tuluyan sina Barbie Forteza at kanyang real life boyfriend na si Jak Roberto.


Sa isang panayam, naitanong kay David Licauco kung ano ang kanyang masasabi sa kanilang mga fans ni Barbie Forteza na humihiling na sana ay maghiwalay na sina Jak at Barbie upang maging real life na ang kanilang tambalan.


Ayon kay David, dapat umanong irespeto ng kanilang mga fans ang kanilang mga personal na buhay.


"I think they all have to respect, yung personal views namin. Syempre mahal niya si Jak Roberto, meron silang relationship before our loveteam we have to respect that," pahayag ni David.


Subalit ang kanyang kasunod na pahayag ay nagpalito naman sa ilang mga netizens kung saan tila umano'y pinagtanggol naman niya ang kanilang mga fans.


Naiintindihan umano niya ang kanilang mga fans ni Barbie at ang kagustuhan umano ng mga ito na maging totoo ang kanilang relasyon.


"Pero syempre maiintindihan mo naman yung mga fans, hindi natin sila masisisi kung ipinu-push nila kami kasi yun ang happiness nila. Ang I think we also have to respect that."


Gayunpaman, hiling niya sa lahat ng mga netizens na huwag namang i-bash si Jak dahil lamang sa tambalan nila ni Barbie.


May kumakalat kasing vlog sa ilang mga social media platform kung saan tila iniuugnay ng ilang mga netizens sa hindi pagseselos ni Jak sa tambalan nina David Licauco at Barbie Forteza kahit pa minsan ay sobrang sweet na ng mga ito.


Matatandaan na umani rin ng samu't-saring komento ang solong pagrampa nina Barbie Forteza at Jak Roberta sa nagdaang GMA Gala 2023 na ayon sa aming nakalap na impormasyon ay kautusan ng management upang mapangalagaan ang tambalan nina Barbie at Davide Licauco.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo