Sa gitna ng tila pagiging manhid at tank build ng aktor na si Jak Roberto sa mga sweet moments ng kanyang girlfriend na si Barbie Forteza at kaloveteam nitong si David Licauco, tila muli na namang sinubok ang kanyang katatagan matapos kumalat ang larawan ng dalawa na natutulog at magkayakap pa sa iisang kama.
Bagama't para lamang ito sa promotion ng kanilang pinagsamahang proyekto sa GMA7 na Maging Sino Ka Man.
Ang proyekto nilang ito ay isang TV-adaptation sa hit movie noon na pinagbibidahan ni Sharon Cuneta at Robin Padilla, na may kaparehong pamagat.
Sa kabila ng kaalaman na para lamang ito sa promotion ng kanilang teleserye, hindi pa rin napigil ng ilang mga BarDa Fans ang kanilang kilig dahil napakalakas umano ng chemistry ng dalawa.
Sa gitna nito, marami rin ang napapatanong kay David Licauco kung hindi nga ba ito apektado sa ginagawa nina David at Barbie, lalong-lalo na sa pansusutsot ng mga fans.
Matatandaan na nauna nang naiulat na may ilang mga BarDa Fans na humiling na tuluyang maghiwalay sina Barbie Forteza at Jak Roberto upang maging totohanan na ang loveteam ng BarDa.
Narito ang ilang komento ng mga netizens.
“Jak kaya mo ‘yan. For the show lang ‘to Jak. For the Fans lang ‘to Jak.”
“Jak left the group.”
“Bakit feeling ko, feeling ko lang naman, this is ‘right love at the wrong time’?”
“Jak ano na?”
“Hala bakit may PIPINO?”
“Ay may baong pipino, tinago pa”
“Tank build”
Nauna nang nilinaw ni Jak Roberto na wala siyang dapat ikaselos sa ginagawa ng dalawa dahil alam umano niyang trabaho lamang ito.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!