Daniel Padilla, Mahigpit Kay Kathryn Bernardo sa Pananamit?

Huwebes, Agosto 3, 2023

/ by Lovely


 Kumakalat ngayon ang mga bulong-bulungan na umano'y mahigpit ang aktor na si Daniel Padilla sa pananamit ng kanyang nobya na si Kathryn Bernardo.


Napansin ng ilang mga netizens ang pagiging protective ni Daniel Padilla sa kanyang girlfriend na si Kathryn Bernardo. Kumakalat at pinag-uusapan kasi ngayon ang ilang video clips na kuha mula sa kasal nina Maja Salvador at businessman na si Rambo Nunez sa Bali, Indonesia noong lunes July 31, 2023 kung saan marami ang nakapansin na nagpalit ng damit si Kathryn Bernardo sa after party ng kasal.


Kabilang sa wedding entourage ang aktress na si Kathryn Bernardo, suot niya ang isang off-shoulder darkgreen gown na kita ang cleavage.


Kapareho sila ng suot na gown nina Maine Mendoza at Janella Salvador. Magkakaparehas din sila ng look dahil iisang stylist at make-up artist lamang ang nag-ayos sa kanila.


Subalit, marami ang nakapansin sa pagpapalit ng damit ni Kathryn Bernardo sa naganap na after party, pinalitan ni Kathryn ang kanyang naunang suot na gown ng isang sleeveless white dress na hindi na makikita ang kanyang cleavage.


Hinuha ng ilang mga netizens na baka pinagsabihan ni Daniel Padilla si Kathryn Bernardo at pinagpapalit ng damit kung saan komportable itong makakagalaw.


Marami naman ang nagsasabing, noon pa man umano ay hindi nagsusuot si Kath ng mga super revealing na damit unless kailangan ito sa trabaho.


Hinuha rin ng ibang mga netizens na baka ayaw umano ni DJ na magsusuot si Kath ng mga damit na sumisilip ang cleavage ng girlfriend.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo