Dahilan Kung Bakit Dinededma Na Ng Star Magic Si Janella Salvador

Miyerkules, Agosto 23, 2023

/ by Lovely


 Naglabas ng sama ng loob ang aktres na si Janella Salvador sa kanyang talent agency na Star Magic dahil tila binalewala na umano siya ng mga ito.


Kamakailan lamang ay inilabas ng Star Magic ang inaabangang 30th year catalog. Binubuo ito ng mga malalaking stars at sikat na artista na mula sa Star Magic.


Nagkaroon din ng isang celebration na dinaluhan ng mga artista sa ilalim ng Star Magic.


Napansin ng mga netizens na wala si Janella sa nasabing event at wala rin ang actress na itinampok sa page ng Anniversary catalog.


Si Janella ay naging bahagi na ng Star Magic mula sa kanyang pag-umpisa sa showbiz mahigit dekada na ang nakakalipas.


Napatunayan naman ni Janella ang kanyang galing sa ilang mga projects na kanyang nagawa, kaya naman marami ang nagtataka at nagtatanong kung bakit hindi nakasama ang aktres.


Naging kapansin-pansin din ang pagbabahagi ni Janella Salvador ng cryptic post patungkol sa kanyang worth at kung ano ang kanyang deserve.


Samantala, naghinala ang ilang mga netizens na may kaugnayan na naman ito sa maagang pagbubuntis ni Janella Salvador.


Tila nadismaya umano ang Star Magic dahil dito.


Gayunpaman, hindi na naglabas ng anumang detalye si Janella o ang Star Magic kung bakit ito nangyari.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo