Dahilan Bakit Ngayon Lang Nagpakita Sa Publiko Si Tony Tuviera at Sa Wedding Pa Ni Maine Mendoza

Martes, Agosto 1, 2023

/ by Lovely


 Muling nagpakita sa publiko ang Former TAPE Inc. President CEO na si Tony Tuviera sa kasal nina Arjo Atayde at Maine Mendoza noong July 28, 2023 sa Baguio City.


Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagpakita sa publiko si Tony Tuviera matapos pumatok ang balitang tinanggal siya ng mga panibagong executives ng TAPE Inc.


Kasunod nito, lumabas na rin ang isyu ng internal conflict sa pagitan ng TVJ at mga panibagong TAPE Inc. executives.


Sa ngayon ay ang mga Jalosjos na ang may hawak ng TAPE Inc. sa pangunguna ni Romeo Jalosjos bilang panibagong presidente at Dapitan City, Mayor Bullet Jalosjos bilang chief finance officer.


Hindi pa kaagad namukhaan ng ilang mga netizens si Mr. Tony Tuviera sa larawan nila ni Joey De Leon noong kasal nina Arjo at Maine. Kabilang si Tony Tuviera sa mga tumayong principal sponsor sa nasabing kasalan.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na si Maine ay isang produkto ng Eat Bulaga kung saan siya unang nakilala at sumikat. Isa rin siya sa mga contract star ng Triple A Management, talent arm ng APT Entertainment na pag-aari mismo ni Tony Tuviera.


Si Tony Tuviera ay maituturing susi upang maging malinaw sa lahat ang nangyari sa TAPE Inc. at kung bakit biglaan na lamang ang kanyang pagreresign.


May alam din umano siya sa totoong nangyari bago ang hidwaan sa pagitan ng TVJ at panibagong executives ng TAPE Inc.


Gayunpaman, nanatiling tahimik si Tony Tuviera at pinabayaan na lamang na ang mga Jalosjos ang salita ng salita.


Subalit, ayon naman sa mga taong malapit kay Tony Tuviera, labis umanong dinamdam ng dating president ang pagreresign ng TVJ sa TAPE Inc.



 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo