Cristy Fermin, Sinabing Dapat Suspendihin Ang It's Showtime Para Madala Si Vice Ganda

Martes, Agosto 1, 2023

/ by Lovely


 Matapos lumabas ang balitang maaring ma-suspend ang It's Showtime dahil sa ginawang 'indecent acts' nina Vice Ganda at Ion Perez sa isang episode ng Isip Bata segment.


Ayon sa inilabas na pahayag ng MTRCB, masu-suspend ang Kapamilya show na It's Showtime kapag napatunayan na totoong nilabag nito ang Presidential Decree No. 1986 Section 3 c, na nagbabawal sa pagpapalabas ng mga indecent acts sa television.


Samantala, naglabas ng kanyang saloobin si Manay Cristy Fermin kung saan sinermunan niya at nirealtalk sina Vice Ganda at Ion Perez sa kanilang ginawa habang naka-live at sa harap mismo ng mga batang hosts sa It's Showtime.


Ayon kay Manay Cristy Fermin, kahit saan tingnan napakamali ng mga ginawa ng dalawa kaya naman normal lamang na mabatikos sila ng mga netizens at televiewers.


Kaya naman, hindi rin maaring basta palampasin na lamang ng MTRCB ang mga natatanggap nilang reklamo dahil rito.


Ipinunto rin ni Manay Cristy Fermin na sumubra na umano sina Vice at Ion sa nasabing episode ng show dahil may mga batang nanonood sa kanila.


Isa pa sa pinuna ni Manay Cristy Fermin ang tila pagkatuwa pa umano ng mga co-host nina Vice Ganda at Ion Perez habang ginagawa ang ganoong akto.


Ayon pa kay Manay Cristy Fermin, dapat lawakan ni Vice Ganda ang kanyang pag-iisip upang malaman nito ang kaibahan ng tama at maling gawi.


Sinabi rin ni Cristy Fermin na hindi naman masama ang pagpapakita ng pagmamahal sa partner subalit dapat binabagay sa lugar at pagkakataon.


Ipinahayag pa niyang may mga artista naman na naipapabatid ang kanilang pagmamahalan sa pamamagitan ng titig lamang para pakiligin ang mga manonood.


Nilinaw din nina Cristy Fermin ang kaibahan ng noontime show at panggabing programa. Maari pa umanong mapalampas ng mga manonood kung ginawa ito nina Vice Ganda at Ion Perez sa ibang programa at hindi sa isang noontime show.


May mga nagsasabi pang dapat masuspende ng It's Showtime upang madala na at hindi na uulitin ang pagkakamaling ito.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo