Cristy Fermin, Dinepensahan Sina Ion Perez at Vice Ganda Sa Isang Tamulm0l na Vlogger

Martes, Agosto 8, 2023

/ by Lovely


 Hindi nagustuhan ng veteran showbiz columnist na si Manay Cristy ang pambabatikos ng isa umanong tamulmol at tolongges na vlogger kina Vice Ganda at Ion Perez.


Ayon kay Manay Cristy Fermin, bagama't isa siya sa mga kritiko nina Vice Ganda at Ion Perez, hindi niya nagustuhan ang ginagawang pambabatikos ng isang tamulmol na vlogger sa dalawa.


“Sobrang lungkot po ng puso ko na para po sakin, pinakamababa na po ng paglalarawan ng isang tao ang tawaging kang palamon na para bang wala ka ng ginawang maganda sa buhay mo at kung wala ‘yung tinutukoy na bakla na nagpapalamon sayo, hindi ka na kakain,” saad ni Cristy Fermin.


Bagama't hindi naman pinangalanan ni Manay Cristy Fermin kung sino ang kanyang tinutukoy, hinuha ng lahat na ito ay walang iba kundi ang motivitional speaker na si Rendon Labador.


Matatandaan na ipinahayag ni Rendon Labador na palamunin at kumakapit lamang si Ion Perez sa bakla.


Hindi ito nagustuhan maging ng mga kasamahan ni Manay Cristy Fermin na sina Romel Chika at Wendell Alvarez dahil noon pa man ay kilala na umanong hardworking si Ion Perez, noong hindi pa sila nagkakilala ni Vice Ganda.


Hindi rin naman umano masasabing palamunin lamang ngayon ni Vice Ganda si Ion Perez dahil regular na rin naman itong nagtatrabaho bilang host sa It's Showtime.


Wala rin naman umanong pisikal na ebedensiya na magpapatunay sa naging pahayag nitong inaasa na lamang ni Ion ang lahat kay Vice Ganda.


Bukod dito, naglabas din ng saloobin sina Manay Cristy Fermin sa pagkakapikon ng tinatawag nilang tamulmol sa naging sagot ni Ion Perez na baka may gusto rin ito sa kanya.


Matatandaan na naunang binanatan ni Rendon Labador sina Vice Ganda at Ion Perez dahil sa ginawa umanong kahayupan ng mga ito sa Isip Bata segment ng It's Showtime noong July 25.


Nanawagan pa si Ion sa MTRCB noon na tila napagbigyan naman. Hindi kasi umano karapat dapat at indecent umano ang ginawa ng dalawa sa pagkain ng cake icing.






Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo