Ikinatuwa ng ilang mga fans ni Claudine Barretto ang panayam ng aktres sa isang kilalang broadcaster na si Karen Davila.
Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na isa sa mga sinusundang aktres si Claudine Barretto. Marami rin itong mga pinagdaanang kontrobersiya at mga intriga kaya naman, nais ng kanyang mga fans na malaman kung ano ang nakakatulong kay Claudine na malampasan ang lahat ng mga ito.
Ayon kay Claudine Barretto, ang kanyang mga anak ang nakakatulong sa kanya para malampasan ang lahat nang pinagdadaanang kontrobersya.
Si Claudine Barretto ay may apat na anak, isa sa mga ito ay anak nila ng kanyang dating asawa na si Raymart Santiago. Ang tatlo naman ay pawang mga ampon ni Claudine Barretto.
Bagama't matagal nang naghiwalay at hindi na nagsasama sina Raymart at Claudine, isiniwalat ng aktres na prinoproseso pa lamang ang kanilang annulment.
Inamin din ni Claudine na kahit civil sila sa isa't-isa at malayang nakakapunta sa kanilang anak si Raymart, patuloy pa rin ang kanilang legal battle para sa custody ng anak. Patuloy pa rin umanong nilalaban ni Raymart na makuha mula sa kanya ang custody ng mga bata.
"He can come to the house anytime and he knows that. Anytime, anydaythat he wants to see the children even nung bata pa sila okay lang, alam niya yun."
"That's why I don't understand why he's trying to get custody of my children up to now."
Ibinahagi din ni Claudine ang kanilang paghihirap financially noon dahil sa ginawa ni Raymart Santiago. Pagkukwento niya, bigla na lamang umanong winidraw ni Raymart Santiago ang perang laman ng kanilang joint account.
Kaya naman, hanggang ngayon ay pinaglalaban pa rin niya na makuhang muli ang perang ito dahil mula naman umano ito sa kanyang pinaghirapan mula pa noong 13 years old pa lamang siya.
"We all know what happened sa amin ni Raymart, that he withdrew all the money and financially, I'm reallu really struggling and yun yung nilalaban ko ngayon ulit, to get back my money na pinaghirapan ko since I was 13 years old."
Inamin rin ni Claudine na minsan ay napapatanong na siya sa Panginoon kung bakit pinagdadaanan niya ang mga kahirapang ito gayung hindi naman umano niya ito deserve.
Naging mabuti naman umano siyang tao at wala siyang inapakang tao sa buong buhay niya. Kaya naman, masasabi niyang hindi niya deserve na maranasan ang ganitong uri ng mga pagsubok.
Subalit, tila alam na umano niya ngayon kung ano ang nais ipabatid sa kanya ng Panginoon.
Pag-amin ni Claudine, "It came to a point that, I thonk this was during the pandemic I'll just lock myself in my van and I was just screaming and screaming and scream inside the car.
"I was asking God, bakit? Why I'm going through this? Why me? Wala naman akong inagawan, wala akong ginago, wala akong ninakawan at wala akong niloko.
"You know, I'm a good person. So why are you doing this to me. I mean, how long.
"I was really, really mad. I was so angry talaga at God and then slowly, you drew strength from Him din pala e."
Dahil sa mga pagsisiwalat na ito ni Cluadine Barretto, lalo niyang napahanga ang kanyang mga fans. Nakakainspire umano ang pagpapakita nito ng tatag sa gitna ng malalaking pagsubok sa buhay.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!