Nagbigay na ng pahayag ang actress na si Chie Felomino hinggil sa napapabalitang relasyon nila ng actor na Jake Cuenca.
Matatandaan na noon pa man ay iniisyu na ang dalawa nang mapansin ng mga netizens na present sa lahat ng social media posts ng aktres si Jake Cuenca na parating naka react at naka-comment.
Kaya naman sa isang panayam, hayagan nang tinanong si Chie Felomino hinggil sa estado ng relasyon nila ng aktor.
Inamin din naman ng aktres na nagdidate na sila ng aktor at kinikilala muna ang isa't-isa ng maigi.
"We're taking our time, you can say dating of course," saad ng aktres.
Isiniwalat din ng aktres na ang gusto niya kay Jake ay alam umano ng aktor ang part niya at ang priority niya. Hindi rin umano siya minamadali ng aktor.
Dagdag pa ni Chie, "Very gentleman siya and he respects my decision and he's willing to wait."
Sa kabila umano nito, wala pa silang formality na may relasyon na sila pero may understanding na sa pagitan nila.
Ibinahagi rin ni Chie Felomino na unang naging close sila dahil kapwa umano silang na misunderstood ng society. Hindi rin umano siya natatakot na ginawa lamang siyang rebound ng aktor sa dating nobya nitong si Kylie Versoza dahil naniniwala siyang nasa tamang edad na si Jake na hindi gagawa o papasok sa isang relashionship na hindi pa talaga ready.
Samantala hindi naman itinago ni Chie na nagkadate na sila noon ni Jake subalit natigil ito, naulit na lamang umano matapos ang kanilang pagkikita noong nakaraang Christmas ball ng ABS-CBN.
Mula noon ay naging persistent na umano si Jake Cuenca sa panunuyo sa kanya.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!