Carla Abellana Muling Pinatamaan Ang Estranged Husband Na Si Tom Rodriguez

Lunes, Agosto 14, 2023

/ by Lovely


 Lumilikha ngayon ng ingay sa ilang mga social media platforms at ilang mga online entertainment sites ang ibinahaging Instagram post ng aktres na si Carla Abellana.


Kamakailan lamang ay ibinahagi ng aktres na si Carla Abellana sa kanyang Instagram account ang one of the hardest lesson umano sa kanyang buhay.


Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Carla Abellana ang video na ilang segundo lamang ang itinagal.


"One of the hardest lessons in life is to forgive someone who was never truly sorry," pahayag ni Carla sa nasabing video.


Hindi na ito nilagyan pa ng caption ng aktres. Hindi rin siya nagbigay ng anumang paliwanag patungkol sa kung sino ang kanyang tinutukoy sa kanyang naging pahayag.


Gayunpaman, naniniwala ang ilang mga netizens na ang tinutukoy ni Carla Abellana ay walang iba kundi ang kanyang dating asawa na si Tom Rodriguez.


Kung babalikan, ipinahayag ni Carla Abellana sa isang panayam noon na hindi na niya kinaya at napuno na siya sa paulit-ulit na pagkakamali ni Tom Rodriguez.


Subalit, hindi naman idinitalye ni Carla Abellana kung anong pagkakamali at kung ano talaga ang pinagmulan ng kanilang hindi pagkakaintindihan ni Tom Rodriguez ilang buwan nang sila ay ikasal.


Matatandaan na ginulat nina Carla Abellana at Tom Rodriguez ang kanilang mga tagahanga nang kumpirmahin nila ang kanilang hiwalayan matapos ang tatlong buwan ng kanilang pagpapakasal.


Ikinagulat ito ng marami at napapatanong kung ano ang totoong dahilan kung bakit kaagad na nagtapos ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa gayung matagal naman silang nagkarelasyon bilang boyfriend at girlfriend.


Sa kabila naman sa mga katanungan ng ilang mga netizens, nanatiling tikom ang bibig nina Carla Abellana at Tom Rodriguez patungkol sa totoong dahilan ng kanilang hiwalayan.


Agad ding pumunta sa ibang bansa si Tom Rodriguez at hanggang sa kasalukuyan ay naroroon pa rin ito.


"So true. Even St. Fracis and Jesus, holy humans as they were, prayed about it in the Prayer of Peace and the Lord's Prayer"


"Its a waste of time to talk about things you dont deserve.. there something special up ahead , just be PATIENT and ask for GODS wisdom.. COUNT YOUR BLESSINGS.."


"Yes 💯 but make sure that u also gave ur best efforts to be the best person to that person that you think that hurts you the most and never said sorry in any way"


"Yes its true, but you can wish them well, in hell"

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo