Carla Abellana Lumipat Sa Talent Management Na Kinabibilangan Ni Marian Rivera

Miyerkules, Agosto 23, 2023

/ by Lovely


 Tuluyan nang iniwan ng aktres na si Carla Abellana ang dating talent agency na kinabibilangan nila ng dating asawa na si Tom Rodriguez.


Kumpirmado nang lumipat ng bagong talent agency ang Kapuso actress na si Carla Abellana.


Si Carla Abellana ay mula sa Luminary Talent Management na pinamumunuan ni Popoy Caritativo, kung saan kasama niya roon ang aktor at dating asawa na si Tom Rodriguez.


Lumipat si Carla Abellana sa All Access To Artist (AAA), ang talent agency na pinamumunuan ni Direk Mike Tuviera, base ito sa bio ni Carla sa kanyang Instagram account.


Kabilang sa mga artistang hawak ng AAA ay ang dati ring talent ng Luminary na si Marian Rivera.


Matatandaan na magsasama sana sa iisang proyekto noon sina Carla Abellana at Marian Rivera, subalit hindi ito natuloy dahil sa conflict ng kanilang schedules.


Ayon sa aming nakalap na impormasyon, lumipat ng panibagong agency si Carla Abellana dahil napapabalita nang babalik na sa Pilipinas ang dating asawa na si Tom Rodriguez.


Tila ayaw na ni Carla na muling mapalapit sa dating asawa kaya siya na ang umiwas dahil liliit lalo ang mundo nila sa GMA kung under silang pareho ng iisang talent agency.


Sa ngayon ay hindi pa tukoy kung kailan ang uwi ni Tom, subalit, marami ang nagsasabi na nalalapit na ito dahil tapos na umano ang mga shows ni Tom Rodriguez sa Amerika.


Matatandaan na ginulat ng dating mag-asawa na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana ang mga netizens nang mapabalitang naghiwalay na sila matapos ang 3 buwan mula ng sila ay ikinasal.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo