May panibagong larawan na naman na pinagpi-pyestahan ngayon ng ilang mga marites at netizens patungkol kina Yassi Pressman at CamSur Gov. na si Luigi Villafuerte.
Matatandaang ilang araw pa lamang ang nakalipas nang kumalat sa social media ang video ng dalawa kung saan hinahalikan nila ang isa't-isa.
Ito'y sa gitna ng kontrobersiyang kakahiwalay pa lamang nina Yassi Pressman at boyfriend niyang si Jon Semira.
Ngayon, muling nag-viral ang larawan nina Camarines Sur Gov. Luigi Villafuerte at Yassi Pressman habang nasa loob sila ng sasakyan.
Parehong nakangiti ang dalawa sa kumukuha sa kanila ng larawan at masaya silang tingnan.
Subalit ang nagpataas sa kilay ng mga netizens ay nang mapansin na hindi pala sa kambyo nakahawak ang kamay ni Governor, kundi sa hita ni Yassi Pressman.
Agad naman itong umani ng samu't-saring komento ng mga netizens. May mga nagsasabing baka totoong magkarelasyon na ang dalawa.
May nagsabi pang baka sa kambyo naman talaga sana ito hahawak kaya lang nalaglag ang kamay ni Gov. sa hita ni Yassi Pressman.
“Sa kambyo ang hawak gov!”
“Kala ko s kambiyo nkahawak si gov.. legs pala ang kinambiyo.”
“Gov moves.”
“Galawang hokage! Gov Luigi Villafuerte But congrats in advance saindong duwa kin magkadagusan.”
Sa kabila nito, may mga nagtatanggol naman kay Yassi at naniniwala sa naging paglilinaw nito na hindi third party ang pinag-ugatan ng hiwalayan nila ni Jon Semira.
Naniniwala din sila na kung may relasyon nga ang dalawa ay hindi naman mali dahil pareho naman silang single at walang nilolokong tao.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!