Buking Ang Relasyong Yassi Pressman at Gov. Luigi Villafuerte!

Martes, Agosto 22, 2023

/ by Lovely


 Muling naging laman ng mga usapin sa social media ang actress na si Yassi Pressman dahil sa mga kumakalat nilang larawan ni CamSur Gov. Luigi Villafuerte.


Nauna nang naibalita ang tila pagkakamabutihan ng dalawa nang kumalat ang video kung saan hinahalikan nila ang pisngi ng isa't-isa.


Naging matunog muli ang pangalan ngayon ni Yassi Pressman nang makuhanan sila ni Gov. Luigi Villafuerte ng larawan kung saan nakahawak sa hita ng aktres ang nasabing Governor.


Marami ang naghinalang si Gov. Luigi Villafuerte ang naging dahilan kung bakit nakipaghiwalay si Yassi Pressman sa kanyang businessman boyfriend noon na si Jon Semira.


Ito'y sa kabila ng paglilinaw ng dalawa na walang third party at mutual decision nila ang paghihiwalay ng landas. Marami sa mga bashers ng aktres ang nagsasabing si Yassi talaga ang may gusto sa hiwalayan nila dahil nakahanap na umano ito ng bago sa katauhan ng Camarines Sur Governor na si Luigi Villafuerte.


Subalit, kaagad namang dumipensa ang mga tagahanga ng aktres, ayon sa kanila walang masama kung sakali mang nagkakamabutihan na ang dalawa dahil hiwalay na si Yassi kay Jon Semira.


Nilinaw na rin umano ng dalawa na walang third party sa kanilang hiwalayan.


Sa kabilang banda, hanggang ngayon ay nananatiling tikom ang bibig ng aktres na si Yassi Pressman hinggil sa kumakalat na isyu sa pagitan nila ni Gov. Luigi Villafuerte.


Taliwas sa agarang paglilinaw noon ni Yassi noong sila ni Presidential son at Ilocos Norte Representative Sandro Marcos ang nalink sa isa't-isa.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo