Nagulat ang ilang mga netizens at hindi nila inaasahan na gagawin ni Joey De Leon habang naka live siya sa noontime show na E.A.T.
Kamakailan ay muling binatikos ng mga manonood at mga netizens ang ginawa ni Buboy Villar sa isang matanda na kanilang kinakausap.
Ayon sa ilang mga netizens, hindi umano maganda at hindi nagpapakita ng kagandahang asal ang ginawa ni Buboy Villar bilang panibagong host ng Eat Bulaga sa isang matandang babae.
Sa isang episode kamakailan ng Eat Bulaga, kung saan magkasama sina Buboy Villar at Isko Moreno, nakausap nila ang matanda sa kanilang pagbaba ng train.
Agad itong tinanong ni Buboy Villar kung ano ang kanyang masasabi sa Eat Bulaga.
Sinagot naman kaagad ito ng matanda at sinabing noon pa man ay tagasubaybay na siya ng Eat Bulaga.
"Ay naku, mula noon pa, 'Eat Bulaga' na ako!" masayang pahayag ng matanda.
Ngunit nang sinabi ng matanda ang mga katagang, "Salamat, Tito, Vic at Joey" bigla na lamang inagaw ni Buboy Villar ang mikropono sa matanda at iniwan na lamang ito basta.
Marami naman ang hindi nagugustuhan ang ginawang ito ni Buboy Villar gayung hindi naman ito ang unang pagkakataon na may nagkamali at napapasalamatan pa rin ang TVJ.
Samantala, iba naman ang naging pagtrato nina Jose Manalo sa nakasalamuha nilang matanda sa Sugod Bahay ng E.A.T. mahinahon ang pakikipag-usap nila rito na masasabing nirerespeto nga nila ito.
Dahil katatapos pa lamang ng birthday ng matanda, malaking cash prize ang binigay nila rito. Magalang naman silang nagpaalam sa matanda matapos ang kanilang pagbibigay ng bonggang regalo.
Dahil dito, muling nagparinig si Joey De Leon, "Napakabait nitong si Mayor Jose, magalang sa matanda hindi inaalisan ng mic."
Agad namang nagtawanan ang mga hosts at maging ang kanilang mga televiewers dahil alam na umano nila kung sino at ano ang tinutukoy ni Joey De Leon.
Ipinunto pa ni Joey De Leon na dapat ay ginagalang ang mga matatanda.
Samantala, tila sinagot naman kaagad ito ni Buboy Villar kung saan sinabi niyang iniiwasan niya ang mga toxic people.
"Edi oh wow trending ka now 🎶
Iwas toxic tignan natin ang postive side mga bok 🥰 tulong at saya yun ang goal at pasalamat kay Lord hindi saamin at sa iba pa we love you kahit sino kapa"
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!