Muling naging laman ng mga usap-usapan online ang E.A.T host na si Buboy Villar, matapos nitong magbahagi ng isang cryptic post sa social media patungkol sa mga taong bitter.
“PILIIN MAGING BETTER KAYSA BITTER,” pahayag ni Buboy sa isang post.
Hinala ng mga netizens ang post ni Buboy bilang isang swipe laban sa E.A.T host na si Joey de Leon na gumagawa din ng mga cryptic post laban sa Eat Bulaga at Television and Productions Exponents (TAPE) Inc.
Tila sagot at ganti din umano ito ni Buboy Villar ilang araw matapos banggitin ni Joey si Buboy sa isa sa mga episode ng Sugod Bahay nang magbiro ang beteranong komedyante tungkol sa isa sa mga dancer na may pagkakahawig sa Eat Bulaga host.
Agad din namang rumescue ang mga fans ni Joey De Leon kung saan ipinamukha nila kay Buboy Villar na kahit kailan ay hindi umano nito matutumbasan ang nagawa ng TVJ sa Eat Bulaga.
May mga nagsasabi pa na dapat na talagang ibalik ng TAPE Inc. sa TVJ ang umano'y inagaw nitong pamagat ng show na Eat Bulaga.
“Much Better pag pinalita nyo Title ng Noontime show nyo.Cgurado mababawasan ang mga Bitter.”
“Hahaha..ma’s higit syo un mga taong pinatatamaan mo nian…milya ang pagiging better nila syo…”
“SINO BA ANG DAPAT MAGING BITTER ..ang baguhan na kakarampot ang viewers o ang veteran na sa TV na sandamakmak ang viewers.”
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!