Viral at pinag-uusapan ngayon ng ilang mga netizens ang ibinahaging pasilip sa naganap na bridal shower ng dating actress na si LJ Reyes, kasama ang kanyang malalapit na kaibigan na sumadya pa sa Amerika para makasama sa special na okasyon.
Nalalapit na nga ang pagpapakasal nina LJ Reyes at Philip Evangelista. Naganap na rin ang masayang bridal shower ni LJ Reyes.
Makikita sa mga video na ibinahagi ang napakasayang awra ni LJ Reyes habang ginagawa nila ang bridal shower. Napakasaya umano ni LJ Reyes na makikita sa mga ngiti nito.
Marami rin ang nagsasabing tila excited na itong maging misis ni Philip Evangelista na ilang araw na lamang ang hihintayin.
Magaganap na ngayon buwan ng Agosto ang kanilang kasalan ilang buwan lamang matapos ang kanilang pagkaka-engage.
Matatandaan na inamin ni LJ Reyes ang kanilang pagkaka-engage noong nakaraang May 2023.
Sa kabilang banda, patuloy naman na bumubuhos ang mga mensahe ng pagbati mula sa mga fans ni LJ Reyes. Lalo na't napansin umano nila ang saya nito ngayon kasama ng lalaking nagmamahal sa kanya at sa kanyang mga anak.
Marami rin ang natuwa para kay LJ Reyes dahil sa wakas ay nakatagpo umano ito ng lalaking handang maging ama at handa siyang iharap sa altar.
Matatandaan na humarap sa matinding kontrobersiya si LJ Reyes matapos ang pag-amin nito na hiwalay na sila ng dating kinakasama na si Paolo Contis.
May mga bashers kasi na nagsasabing nakarma umano si LJ Reyes sa pakikipagrelasyon kay Paolo Contis. Subalit, kaagad naman siyang ipinagtanggol ng kanyang mga fans at ipinuntong hindi kasalan na sadyang babaero at hindi nakukuntento si Paolo Contis.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!