Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang umano'y inilabas na hatol ng MTRCB sa kanilang pagpapatawag sa production ng It's Showtime kasunod ng paggawa nina Vice Ganda at Ion Perez ng indecent act sa show.
Matatandaan na maraming mga netizens ang nagsasabing at nagrereklamo sa MTRCB kasunod ng hindi umano kaaya ayang pagkain nina Vice Ganda at Ion Perez sa cake icing habang naka-live sa segment na Isip Bata sa It's Showtime.
Nilabag umano ng dalawang host ang presidential decree na nagbabawal sa pagpapakita ng indecent acts sa telebisyon at sa harap ng mga bata.
Subalit, ayon sa aming nakalap na impormasyon, hanggang ngayon ay wala pa umanong inilabas na hatol ang MTRCB sa It's Showtime at pinag-aaralan pa umano nila kung nararapat bang makatanggap ng parusa ang show.
Tinitimbang umano nila ang naging pahayag ng dalawang kampo upang malaman kung ano ang nararapat nilang gawing hinggil dito.
Sa ngayon, marami ang nag-aabang kung ano ang magiging desisyon ni Lala Sotto hinggil sa insidente sa It's Showtime kung saan marami ang nagsasabing kailangan na parusahan ang dalawa.
Subalit, marami rin naman ang mga nagtatanggol kina Vice Ganda at Ion Perez na hindi naman malaswa ang ginawa ng dalawa bagkus ang isip lamang ng mga manonood ang malaswa.
Tiyak naman umanong hindi naintindihan ng mga batang host ang meaning ng aksyon nila dahil sa mga mata ng mga ito ay kumakain lamang ang dalawa ng cake icing.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!