Boy Abunda Nagsalita Na Sa Pagpanaw Ng Kaibigang Si Mike Enriquez Sa Edad Na 71

Huwebes, Agosto 31, 2023

/ by Lovely


 Binalikan ng King of Talk na si Boy Abunda ang kanyang fondest memories sa pumanaw na batikang broadcast journalist na si Mike Enriquez.


Binalikan din ni Boy Abunda ang kanilang pagkakaibigan ni Mike Enriquez na nagsimula noong early 90's.


"Magkasama po kami ni Mike noong early '90s dito sa GMA7. Kami ay magkaibigan at nanatiling magkaibigan ng maraming maraming taon."


Isiniwalat din ni Boy Abunda na si Mike Enriquez ang isa sa mga naunang nakaalam sa kanyang pagbabalik sa GMA7 noong nakaraang taon.


"Naalala ko po noong ako'y babalik na dito sa GMA7, I remember calling Mike and I said, 'I have to tell you that I'm coming back to GMA7, and what a shame it would be if I don't let you know.'"


"I would not have forgiven you had you not called me,'" sagot naman umano sa kanya ni Mike Enriquez.


"He was a lovely man. He was a wonderful friend," pagbabaliktanaw pa ni Boy Abunda.


Hiniling din umano ni Boy Abunda na sana makabisita sa Fast Talk si Mike Enriquez.


"Sabi ko, 'Mike, sana kapag nagsimula ang Fast Talk makabisita ka sa amin.'"


"It was a dream to do an interview with Mike Enriquez. Alam kong hindi natuloy, but he said yes, he would come to the show. Pero alam ko po na hindi na matutuloy, but he will always be in my heart, and he will always be in my mind."


"Salamat at paalam, Mike Enriquez."




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo