Hindi isinara ng host na Billy Crawford ang posibilidad na magtrabaho sa alinmang noontime show na umiiere sa magkaibang TV networks.
Matatandaan na matapos ang siyam na taon nang pagiging host ni Willy Crawford sa It's Showtime ay bigla na lamang siyang tumigil at nagresign sa nasabing show.
Nagresign si Billy Crawford sa It's Showtime kasabay ng pagpapakasal nila ng actress na si Coleen Garcia.
Samantala, marami sa mga tagahanga noon ni Billy Crawford ang napapatanong sa kanya kung bakit iniwan nito ang It's Showtime matapos ang pagiging host nito sa loob ng siyam na taon.
May mga naglabasan pa noong espekulasyon na umano'y may hindi sila pagkakaunawaan ng mga kasamahan niyang mga hosts kaya pinili na lamang ni Billy na magresign.
Subalit ang ipinalabas ni Billy na dahilan sa kanyang mga fans ay ang pag-aasawa niya. Magpopokus na lamang umano siya sa kanyang married life dahil ikakasal na sila noon ni Coleen at matapos ang dalawang taon nawalan naman ng prangkisa ang ABS-CBN kaya hindi na rin umano siya nakabalik sa show.
Matatandaan na noong 2021 ay naging isa sa mga hosts si Billy Crawford sa noontime show na Tropang LOL na kamakailan lamang ay naitigil na rin matapos ang dalawang taon na pag-ere.
“Nung ikinasal kami ni Coleen, nung ikinasal kami, it was 2018. I asked to [take an] off muna sa noontime kasi araw-araw hindi ko maha-handle. And also, concentrated talaga ako sa family ko. I want to give my all, my time sa family,” pahayag ni Billy Crawford.
Inihayag naman ni Billy na handa siyang magtrabaho sa alinmang noontime show kabilang na ang It's Showtime kung mabibigyan siya ng pagkakataon.
“It doesn’t matter. Sa totoo lang, kung makakapunta ako sa Showtime, makakapunta ako sa Eat Bulaga!, kung makakapunta ako kung saan man, kasi ‘yun ‘yung promotions namin para sa mga proyekto namin,” saad pa ni Billy.
Dagdag pa niya, “I go where work takes me, to be honest with you. Kung saan ang trabaho, doon ako.”
Si Billy Crawford ay isa sa mga hosts ng Tropang LoL na produced ng Brightlight Production na nawalan ng trabaho ng magdesisyon ang TV5 na hindi patigilin ito sa kabila ng kanilang paki-usap.
Naging usap-usapan naman na gumagawa na ng paraan ang kanilang production company na makalipat sa ibang networks at muling eeri ang Tropang LOL.
"Ako happy lang ako dahil gumagalaw ang industriya natin. TV is back, prior to pandemic it was hard. Tapos nung nag pandemic wala talagang viewers kahit saan."
Samantala, marami naman sa mga It's Showtime fans ang nagreact sa napapabalitang pagbabalik ni Billy. Marami ang hindi ito nagustuhan dahil sa pang-iiwan umano ni Billy sa show.
Marami rin ang hindi gusto ang paglipat noon ni Billy sa Tropang LoL sa panahong walang prangkisa ang ABS-CBN.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!