Isang nakakalungkot na balita, pumanaw na ang beteranong aktor na si Robert Arevalo sa edad na 85.
Isa sa mga anak ni Robert Arevalo, na si Anna Ylagan ang nagkumpirma sa tuluyang pamamaalam ng aktor nitong Huwebes August 10, 2023.
Sa isang Facebook post malungkot na ibinahagi ni Anna na tuluyang pumanaw ang kanyang ama kaninang 10:17 ng umaga.
Bagama't malungkot sila sa paglisan ng kanilang ama, nagpapasalamat pa rin sila sa panginoon dahil binigyan sila nito ng ama na katulad ng yumaong si Robert Arevalo.
"Today is the day that the Lord has chosen to take our dearest Papa home. Robert Francisco Ylagan, a.k.a. Robert Arevalo, peacefully passed away at 10:17am this morning, Aug. 10, 2023. Praise God for His mercy and grace."
Bagama't masakit para sa kanila na wala na ang kanilang ama, alam umano nilang nasa piling na ito ng panginoon kung saan balang araw ay magkakasama din silang muli.
"We are grateful that He has given us the best Papa one can ever wish for. Thank you for loving us the way you did, Pa. Although our hearts are broken, we are comforted by God’s promise that He has a place reserved for you in His kingdom in Heaven where all of us who believe in His son, Jesus, will one day reunite."
Ibinahagi din ni Anna ang detalye ng burol para sa kanilang ama na magsisimula umano sa darating na August 12, 2023 hanggang sa linggo August 13, 2023 sa Arlington Chapels, Araneta Ave. ‘Solace Rooms 1 & 2’ at 2pm-12am.
"Papa’s wake will be during the weekend (after his cremation) at Arlington Chapels, Araneta Ave. ‘Solace Rooms 1 & 2’ at 2pm-12am beginning Saturday, Aug. 12, 2023 up to Sunday, Aug. 13, 2023. Thank you for all your expressions of love and sympathy. We are deeply touched and grateful."
Samantala, hindi naman ibinahagi ng anak ng beteranong aktor kung ano ang naging sanhi ng kanyang pagpanaw.
Sa ngayon ay bumuhos na ang mga mensahe ng pakikipagdalamhati at pakikiramay para sa mga naiwang minamahal ng aktor mula sa kanyang mga fans at maging sa mga dating kasamahan niya sa pag-aartista.
Bunsod sa balitang ito, marami ang nalungkot para sa naiwang may bahay ni Robert Arevalo na si Barbara Perez na nakasama niya sa lahat ng mga pinagdaanan sa lungkot man at saya mula nang sila ay ikasal noong 1962.
Sa tagal ng kanilang pagsasama na umabot na sa mahigit anim na dekada, alam ng lahat na ito ang pinakanasaktan sa pagkawala ng beteranong aktor.
Ang kanilang pagmamahalan ay isa sa mga nagpapatunay na nag-eexist sa mundo ng showbiz ang till death thou as part.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!