Solong rumampa sa Vogue Gala 2023 ang batikang actress na si Bea Alonzo dahil nasa London umano ang kanyang fiance na si Dominic Roque.
Ayon kau Bea Alonzo, hindi siya nakasama kay Dominic sa London dahil sa kanyang trabaho at appointments subalit pupunta naman umano siyang Spain sa susunod na buwan.
Nagbigay rin ng ilang detalye ang aktres hinggil sa pagpaplano nila ng kasal ni Dominic Roque.
Pagsisiwalat ni Bea Alonzo, hindi pa nila alam kung kailan ang eksaktong petsa ng kanilang kasal. Kung ano ang motif at kung sino-sino ang kukunin nila bilang sponsors at para sa buong entourage.
Gayunpaman, nag-uusap naman na umano sila ni Dominic at nagpapalitan ng insights kung ano ang kanilang gusto sa magaganap nilang kasal.
Hangga't sa maari ay gusto umano ni Bea Alonzo na magiging intimate ang kanilang kasal subalit hindi umano niya alam kung posible ba ito dahil sa dami ng kanilang mga kaibigan sa loob at labas ng showbiz.
Sa kabila nito, siniguro naman ni Bea Alonzo na magiging amazing at wonderful ang kanilang pag-iisang dibdib dahil mahal na mahal nila ang isa't-isa.
Pahayag na lamang ni Bea Alonzo sa lahat na it's too early to tell pa dahil marami pa umano silang dapat na pagplanuhan at isaalang-alang ni Dominic.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!