Isa sa mga sinusundan na celebrity kids na anak ng mga hinahangaang personalidad sa telebisyon ay ang anak ng TV host-politician Jhong Hilario.
Marami ang nag-aabang sa mga ibinabahaging update ni Jhong Hilario patungkol sa kanyang anak na si Sarina Hilario.
Marami ang naaaliw sa mga video ni Sarina Hilario dahil sa kanyang kabibohan at cuteness.
Kamakailan lamang at muling nagbahagi ng mini vlog si Jhong Hilario ng kanyang anak. Nakakatuwa ang nasabing video at maari rin itong maging inspirasyon sa lahat ng mga bata.
Si Sarina Hilario ay dalawang taon pa lamang subalit hindi katulad sa ibang bata. Hindi pihikan sa pagkain si Sarina dahil ipinakita pa ni Sarina sa kanyang mini-vlog ang kanyang pagkain.
Hindi rin nito sinasayang ang mga pagkaing ibinigay ni Jhong Hilario dahil inubos itong lahat ni Sarina.
Matatandaan na umani rin ng paghanga at nagdala rin ng goodvibes mula sa mga netizens ang ibinahaging video ni Jhong Hilario, patungkol sa failed Mini Miss U dance ni Sarina.
Kamakailan lamang ay hinangaan ng maraming netizens ang pagtatapos sa kolehiyo ni Jhong Hilario. Marami ang humanga sa kanya dahil sa kanyang pagpupursige na makapagtapos sa kanyang pag-aaral sa kabila ng kanyang edad.
Marami pa ang humanga sa kanya dahil nakaya niyang pagsabayan ang kanyang pag-aaral, pagtatrabaho at pagtataguyod sa kanyang binubuong pamilya.
Si Virgilio Viernes Hilario Jr., na mas kilala bilang Jhong Hilario, ay isang Pilipinong artista, dancer, TV Host, at politiko. Siya ay bahagi ng Filipino dance group na Streetboys. Isa rin siya sa mga regular host ng Kapamilya noontime show na It's Showtime. Kasalukuyan din siyang nagsisilbing konsehal ng Makati 1st district mula 2016 hanggang kasalukuyan.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!