Legal Counsel ng TAPE Inc. na si Atty. Maggie Garduque, binalaan ang TVJ at ang mga supporters nito na kakasuhan ang mga tumatawag na Fake Bulaga sa kanilang show sa GMA7.
Matapos matanggap ang Certificate of Renewal of Registration, na inilabas ng Intellectual Property Office para sa trademark ng Eat Bulaga na ibinibigay sa TAPE Inc.
Agad na nagpa-unlak ng panayam ang legal counsel ng TAPE Inc. na si Atty. Maggie Garduque. Ayon sa inilabas na certificate ng IPO, mananatiling hawak ng TAPE Inc. ang trademark ng Eat Bulaga hanggang June 14, 2033.
Ang nasabing dokumento ay talagang permado pa ng Bureu of Trademarks Director na si Jesus Antonio Ros.
"This renewal is a testament that TAPE was and remains the registered owner of the trademark 'Eat Bulaga!'," saad ni Atty. Maggie Garduque.
Naninindigan din si Atty. Maggie Garduque na bilang may-ari ng 'Eat Bulaga' hindi nila kailangang magpalit pa ng pangalan ng show.
"Yes as part of right of ownership of trademark, it has the exclusive right to use it kaya TAPE will continously use 'Eat Bulaga' and 'EB' as the title of the show."
Dahil dito, hindi umano maaring tawaging Fake Bulaga ang kanilang show, dahil sila ang nakarehistrong may-ari ng pamagat ng show at maging logo nito.
"For me, no one has the right to call TAPE's show as Fake Bulaga. It is registered owner of the name and logo of 'Eat Bulaga', it is the one using it in its show for the past 4 decades and up to now so it cannot be the Fake Bulaga. In fact we will file all legal action/s to all who are calling it Fake Bulaga."
Agad naman itong umani ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens at mga supporters ng TVJ.
Hindi makapaniwala ang ilang mga netizens na hahantong pa sa demandahan ang pagtawag lamang na Fake Bulaga sa Eat Bulaga show sa GMA7 tila napaka-OA naman umano ng reaksyon na ito ng TAPE Inc.
Gayung alam naman umano ng TAPE Inc. na kahit nasa kanila ang trademark ng nasabing show ang TVJ pa rin ang kinikilalang totoong nagmamay-ari nito at ito rin ang tinaguriang legit ng mga netizens.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!