Nagbigay na umano ng pahayag ang asawa ng yumaong batikang broadcaster na si Mike Enriquez hinggil sa napapabalitang pagpanaw ng kanyang asawa.
Ayon dito, hindi na umano kinaya ng batikang broadcaster ang mga komplikasyon na dala ng kanyang mga karamdaman.
Kabilang na dito ay ang pagkakaroon nito ng komplikasyon sa baga na naging dahilan kung bakit nahihirapan na itong huminga.
Sinubukan pa naman umanong lumaban ni Mike Enriquez ngunit talagang sumuko na ang kanyang katawan.
Malaki naman ang pasasalamat ng buong pamilya ni Mike Enriquez sa lahat ng mga nangumusta at nagpaabot ng pakikiramay sa kanila.
Masaki man umano para sa kanila ang nangyaring pagpanaw ng isang mahal sa buhay, medyo nababawasan umano ito dahil sa mga nagbabahagi kung gaano kabuting tao si Mike Enriquez.
Maging ang mga kasamahan ng yumaong news anchor ay hindi mapigil-pigil ang emosyun habang kinukumpirma ang pagpanaw nito.
Marami rin ang humanga sa tatag na ipinapakita ni Mike Enriquez at kung gaano nito kamahal ang kanyang propisyon dahil sa kabila ng mga health conditions ay nagsiserbisyo pa rin ito.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!