Tuluyan nag inaresto at kinulong ng mga otoridad ang mga sikat na content creators na TuKoMi.
Ang TuKoMi ay binubuo nina Mark Heroshi San Rafael, Mark Lester San Rafael at Eleazar Steven Fuentes.
Sumikat sila dahil sa kanilang mga nakakaaliw na vlogs at sa kanilang ginagawang prank bilang content sa kanilang mga videos. Subalit, tila sumubra na ang kanilang ginawang prank ng ginawa nila sa Brgy. Las Pinas ang 'kidnapping prank'.
Noong Abril 2023, humarap sa malaking kontrobersiya ang TuKoMi matapos nilang i-upload ang ginawa nilang 'kidnappin prank'.
Sa nasabing prank, gumawa ng palabas ang mga myembro ng TuKoMi kung saan nagpanggap silang may kinidnap.
Agad naman rumesponde si Police Staff Sergeant Ronnie Conmigo na naroroon sa lugar na iyon, muntik rin umano siyang makapagputok sa kanyang baril sa mga araw na iyon dahil buong pag-aakala niya na totoong may dinukot.
Agad naman naman nilang nilinaw sa Police ang buong sitwasyon at humingi rin sila ng tawad dahil sa kanilang ginawa.
Pinagsabihan din naman sila ng Police Staff upang hindi na nila ulitin ang ganitong klase nang prank dahil napaka delikado umano nito lalo pa't maari may masaktan sila rito.
Makikita rin sa inupload nilang video noon na naging maayos naman ang kanilang pag-uusap ng Police Staff.
Subalit, tila hindi naman nadala ang TuKoMi sa pulis at inupload pa rin ang nasabing video, dahil dito tuluyan na ring kinasuhan ni Police Staff Sergeant Ronnie Conmigo ang tatlo.
Ginawa umano ito ng nasabing Police upang magsilbing aral sa lahat ng mga content creators na huwag gayahin ang ginawa ng TuKoMi.
Kahapon August 7, tuluyan ng inaresto ang myembro ng TuKoMi na sina, Mark Heroshi San Rafael, Mark Lester San Rafael at Eleazar Steven Fuentes.
Ang mga ito ay naaresto sa bisa ng warrant of Arrest sa kasong paglabag sa article 513 ng Revised Penal Code Alarm And Scandal.
Kasunod ng pagkakaaresto ng tatlo, nagbigay ng babala si PNP Chief General Benjamin sa lahat ng mga content creators na mahilig gumawa ng mga prank videos na maaring magdulot ng takot sa publiko at maaring ilagay sa alanganin ang peace at order.
Maaring managot sa batas ang mga mapapatunayang gumagawa ng mga aktibidad sa social media na maaring magdulot ng takot at gulo sa publiko kahit pa ito ay isang kalukuhan lamang.
Ang pagkakaaresto umano sa TuKoMi Brother ay maaring maging aral at leksyon sa lahat ng mga content creators na maging sensitibo sa paggawa ng content at isaalang-alang ang mga umiiral na batas.
Agad namang umani ng samu't-saring komento at reaction mula sa mga netizens ang pagkakaaresto ng tatlo.
Marami sa mga netizens ang nasiyahan dahil mabibigyan na umano ng leksyon ang mga ganitong uri ng vloggers.
"Buti nga sa inyo mabulok kayo jan dami niyo alam"
"Anong prank lang?? deserve yan ng mga prankster na feeling entitled"
"Prank pa more andaming iko-content yung saklaw pa talaga ng batas"
Dagdag pa ng ilang mga netizen na hindi lamang aral ito sa mga vloggers kundi para na rin sa lahat ng mga mahihilig sa social media na hindi maaring idaan na lamang sa prank ang lahat.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!