Ang Tunay Na Kalagayan Ni Maiqui Pineda, Ang Fiancée Ni Robi Domingo

Lunes, Agosto 7, 2023

/ by Lovely


 Marami ang natuwa nang ibahagi ni Robi Domingo ang engagement nila ng kanyang girlfriend na si Maiqui Pineda. Agad na inaabangan ng kanilang mga tagahanga ang susunod na update ni Robi Domingo patungkol sa kasal na nila ni Maiqui.


Subalit kamakailan lamang ay kinaharap nila ang isang malaking pagsubok sa kanilang buhay. Si Maiqui ay na-diagnose ng isang karamdaman.


Si Maiqui Pineda ay mula sa promineteng angkan ng mga Tantoco. Apo siya ni Marites Tantoco-Pineda, isa sa mga anak ng may-ari sa sikat na shopping establishment na Rustan's.


Ang kanyang ama na si Paulo Tantoco ang kasalukuyang Chief Commercial Officer ng Kumu. Ang kanyang ina naman ang na si Malou Lacson ay ang Senior Vice President Business Management ng Rockwell Land Corporation.


Si Maiqui ay may identical twin na nagngangalang Sammy.


Mahilig naman si Maiqui sa mga local arts, films na palaging sumusuporta sa mga Pinoy sa larangan ng painting, sculpture at iba pa.


Maging ang mga local weavers ay natulungan na rin ni Maiqui.


Si Maiqui Pineda ay nakapagtapos sa kursong Bachelor of Science in Business Administration and Management noong 2012 sa Ateneo de Manila University.


Mula nang maiugnay ang pangalan ni Maiqui sa TV host-actor na si Robi Domingo naging matunog na rin ang kanyang pangalan sa showbiz.


Taong 2018, unang lumabas ang balitang may relasyon ang dalawa ng bisitahin ni Maiqui sa set si Robi na may dalang cake para surpresahin ito.


Huling bahagi ng taong 2019, naging sunod-sunod na ang pagbabahagi ni Robi ng kanilang mga larawan ni Maiqui sa kanyang social media posts.


Ayon kay Robi Domingo, unexpected ang pagdating ni Maiqui sa kanyang buhay dahil sa mga panahon umanong iyon ay hindi naman niya hinahanap ang pag-ibig. Bigla na lamang umano itong ibinigay sa kanya na siyang ipinapasalamat niya ng labis.


Naging pribado naman sina Robi Domingo at Maiqui Pineda sa kanilang relasyon at ibinabahagi lamang nila sa kanilang mga tagasuporta ang mahahalagang detalye ng kanilang pagmamahalan.


Gayunpaman, makikita naman na talagang masaya sila sa piling ng isa't-isa. Naging bukas din naman si Robi sa pagsasabing nakikita na niya ang kanyang future sa piling ni Maiqui.


Noong November 4, 2022, bagama't kinakabahan nilakasan ni Robi ang kanyang loob at nagpropose na kay Maiqui habang nagbabakasyon sila sa Japan. Agad naman itong tinanggap ni Maiqui.


Matapos ma-engage agad nang naghanda sina Robi at Maiqui sa kanilang kasal. Ibinahagi pa ni Robi na bagama't nakakapagod ay fulfilling naman umano dahil napagpasyahan na nila ang magiging perfect wedding nila na dadaluhan ng kani-kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.


Gayunpaman, tila hindi na masusunod ang lahat ng napagplanuhan nina Roni at Maiqui matapos ma-diagnose ang huli ng isang rare auto-immune disease.


Sa inilabas na vlog at Instagram post, inamin ni Maiqui na may iniinda siya ngayong karamdaman. Makikita sa kanyang post ang kanyang pagkakaospital, may larawan pang nakasakay siya sa wheelchair at inaalayan siyang maglakad ni Robi.


Ayon pa kay Maiqui, hindi na matutuloy ang pagpaplano nila ni Robi ng kasal sa taong ito dahil sa kanyang pagkakaospital.


Pagbabahagi pa ni Maiqui, April 2023, nagsimulang lumabas ang sintomas ng kanyang sakit. Nag-umpisa umano ito sa panunuyo ng kanyang balat, pagkakaroon ng skin rashes, pananakit ng kanyang kasu-kasuan at madalas na rin umano siyang mapagod.


Agad naman umano siyang nagpunta sa hospital kung saan na diagnosed siyang may Dermatomyositis.


Ang sakit na Dermatomyositis ay isang uncommon inflammatory disease mark with muscle weakness and a distinctive skin rash.


Bagama't wala pang lunas ang sakit na ito maari naman umano iwasan ang mga sintomas nito. Ayon pa kay Maiqui, nagsisimula na rin ang kanyang treatment subalit malayo pa umano ang kanyang tatahakin para tuluyang gumaling.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo