Ang Paghihirap Ni Jessy Mendiola Inamin Dahil Sa Anak Na Si Peanut!

Lunes, Agosto 21, 2023

/ by Lovely


 Isiniwalat at inamin ng actress na si Jessy Mendiola na nahihirapan siya ngayon dahil sa kanyang anak na si Baby Peanut.


Inamin ng aktres sa kanyang Instagram stories na nahihirapan siya ngayon dahil may mga nagbabago na sa kanyang anak na si Baby Peanut.


Dahil 7 months old na ngayon ang anak nina Jessy Mendiola at Luis Manzano, nagkakaroon na ito ng mga pagbabago, halimbawa na lamang nito ay ang pagbabago ng sleeping patterns ng bata.


Kamakailan lamang ay ibinahagi ng aktres ang larawan nila ni Baby Peanut kung saan mahimbing na natutulog ang anak.


Pag-amin ni Jessy, "It's kind of tough when the baby is going through regression. Per worth it kapag nakatulog na at humihilik pa. right moms?"


Dagdag pang pagbabahagi ng aktres, "Paiyak nako kanina, mahilig na siya manipa. guys nakailang knee kicks siya sa CS area ko."


Gayunpaman, sa kabila ng hirap, worth it naman umano itong lahat sa tuwing tinitingnan ni Jessy ang kanyang anak. Sa ngayon ay marunong na itong maglambing at unti-unti nang natututong magsalita. Nagsisimula na rin itong gumapang.


Samantala, makikita naman sa naunang mga ibinahaging video nina Jessy Mendiola at Luis Manzano na talagang nag-eenjoy sila sa pag-aalaga ng kanilang anak.


Bagama't 7 months old pa lamang ang anak nina Jessy Mendiola at Luis Manzano, hindi maikakailang marami na itong mga tagahanga dahil sa angking ka cutan nito na nagmana sa kanyang mga magulang.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo