Ang Nakakatuwang Bonding Moments Nina Jessy, Luis at Baby Peanut Full Video

Huwebes, Agosto 17, 2023

/ by Lovely

Muling nagbahagi ng nakakatuwang video sina Luis Manzano at Jessy Mendiola sa mga moments nila kasama ang kanilang anak na si Baby Peanut.


Sa isang video, makikitang hinahalikan ni Baby Peanut si Jessy Mendiola at napakalambing nito sa kanyang ina. Samantalang, habang hawak naman ito ni Luis ay papadyak padyak ito na tila ba gustong kumawala sa ama.


May video pa kung saan labis ang pagbubungisngis ni Baby Peanut habang kinakausap ito ni Jessy Mendiola. Subalit noong hawak na ito ni Luis Manzano, tila nagkaroon ng sariling mundo ang bata.


Sa ngayon ay seven months old na ang anak nina Jessy Mendiola at Luis Manzano. Hindi din naman lingid sa kaalaman ng publiko ang pagiging hands on nila sa pag-aalaga ng kanilang anak.


Makikita ring napaka-proud parents nila sa mga mumunting achievements ng kanilang anak.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo