Lalo pang magiging kapana-panabik ang mga bagong tagpo sa FPJ's Ang Batang Quiapo.
Bukod sa pinaghahandaang kasalan sa pagitan nina Mokang at Boss Ramon, isa rin sa mga inaabangan ay ang anak ni Olga na nasa Amerika. May mga naglabasang espekulasyon kasi na ang aktres na gaganap sa nasabing karakter ay walang iba kundi si Elisse Joson.
Matatandaang, nabanggit na noon sa isang report ng ABS-CBN na kasama sa cast si Elisse Joson. Kaya naman ito na ang tamang panahon na papasok siya sa eksena.
Sa ngayon ay hindi pa malinaw kung ano ang magiging papel ni Elisse Joson sa pamilya Montenegro. Subalit dahil marami ang naghinalang gagampanan niya ang papel ng anak ni Olga, maaring isa ito sa mga magiging kontrabida sa buhay ni Tanggol at magiging kasangga naman ni Olga para parehong mapagbagsak ng tuluyan ang mag-amang sina Tanggol at Ramon Montenegro.
Kung matatandaan, nabangit na sa isang news report noon na posibleng magkasama sa naturang serye ang real life couple na sina Mccoy De Leon at Elisse Joson. Subalit, hindi pa lumalabas si Elisse sa serye sa ngayon dahil siya ay may commitment pa sa isang pang palabas ng kapamilya network na Dirty Linen.
Dahil matatapos na ang Dirty Linen, inaasahan ng marami na papasok na sa eksena si Elisse, at gaganap pa rin itong kontrabida. Ibig sabihin magtatagpo din sila ni David na ginagampanan naman ni Mccoy De Leon.
Sina Mccoy at Elisse na magkarelasyon sa tunay na buhay ay inaasahang magiging magkapareha rin sa nasabing serye kalaunan, at magsasanib pwersa sila para patuloy na pahirapan si Tanggol.
Hinuha pa ng ilang mga netizens at manonood sa magiging takbo ng storya, magpapatuloy na si David ang magpapanggap bilang anak ni Ramon, at tutulong si Elisse at Olga na ito ay maisakatuparan at tuluyang maitago kay Ramon.
Ang magiging labanan, ay sa pagitan na ng mag-amang Tanggol at Ramon, dahil kung totoo nga na mamamatay si Mokang sa serye, ang pagbibintangan ni Tanggol na may kasalanan ay si Ramon.
Sa puntong ito, tila mas magiging kapanapanabik ang mga tagpo dahil si Ramon na ginagampanan ni Christopher De Leon ay nakakaramdamn ng lukso ng dugo kay Tanggol, at siguradong hindi nito magagawang saktan si Tanggol.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!