Nagbigay na ng pahayag ang Kapamilya actress na si Andrea Brillantes hinggil sa natatanggap niyang pambabatikos, matapos mag-viral ang inupload niya vlog kamakailan kasama ng kanyang mga kaibigan.
Sa nasabing vlog, pinag-usapan nila kung sino-sino sa mga artista at mga basketball players ang bet niyang i-date. Base sa vlog, nais na maka-date ni Andrea Brillantes sina, Jakob Poturnak, Kai Sotto, at iba pang male celebrities.
Agad itong umani ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens lalo pa't hindi pa nagtatagal mula nang aminin nina Andrea Brillantes at Ricci Rivero ang kanilang hiwalayan.
Kaya naman, hindi na pina tagal pa ni Andrea Brillantes at kaagad nang nagbigay ng saloobin sa mga komentong natatanggap niya mula sa mga netizens.
Bagama't wala umano siyang pang-amoy, naamoy niya ang umaalingasaw na matinding bashing para sa kanya mula sa kanyang mga bashers.
Alam umano niyang marami na naman umanong magsasabing puro siya landi at paghahanap ng panibagong lalaki ang kanyang inaatupag.
Kaya naman nilinaw ni Andrea na may nilagay naman silang disclaimer sa kanilang vlog kung saan idiniin nilang katuwaan lamang ang lahat.
“Luhhh heto na naman tayo, sineryoso na naman yung dapat eh playtime lang…Sinabi ko lang naman na nagaguwapuhan ako sa tao, ano bang big deal do’n?”
Ipinunto pa ng aktres na hindi niya kailangang “maghanap” ng lalaki dahil isang reply lang daw niya sa lalaking nagpaparamdam sa kaniya, tiyak na magkakaroon na siya ng instant date o jowa.
@blythe get ready with me na may halong chika…. ðŸ¤ðŸ™ˆ #fyp ♬ Seven (feat. Latto) - Clean Ver. - Jung Kook & Latto
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!