Muling naging laman ng mga usap-usapan online ang Kapamilya actress na si Andrea Brillantes, matapos muli itong mapansin ng isang myembro ng South Korean girl group Blackpink.
Sa kamakailang livestream ni Rose, myembro ng Blackpink, nitong Martes, August 8 ibinahagi ni Andrea Brillantes na hinding-hindi niya malilimutan ang moment na napansin ni Rose ang kanyang promposal para sa kanyang noo'y boyfriend na si Ricci Rivero.
“My fave memory was when you noticed me for my promposal hahahahahahaha,” komento ni Andrea.
Agad namang naalala ni Rose ang kaganapan ngang ito sa kanilang concert sa Pilipinas. Subalit, muling humirit si Andrea na naghiwalay na sila.
“WE BROKE UP NOW.”
Kita naman sa mukha ni Rose, na nagulat siya sa pahayag ni Andrea gayunpaman ay natawa na lamang siya rito.
Samantala, nagtrending naman kaagad si Andrea Brillantes sa Twitter.
Marami ang napahanga sa taglay na braveness ng aktres sa pagsisisiwalat na wala na talaga silang pag-asa ni Ricci Rivero.
Kung matatandaan, bigla na lamang naiulat ang paghihiwalay nina Ricci Rivero at Andrea Brillantes. Kasunod nito ang balitang nahuli ni Andrea Brillantes si Ricci na may kasamang babae sa loob ng unit nito na nakahubad.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!