Talagang naka get over na ang aktres na si Andrea Brillantes sa kanyang ex-boyfriend na si Ricci Rivero matapos amining handa na siyang makipagdate kay Jakob Poturnak.
Sa kamakailang vlog ni Andrea Brillantes sa kanyang Youtube channel ibinahagi niya ang paglalaro nila ng kanyang mga kaibigan ng 'Date or Pass challende' isang version ng Jojowain or Totropahin.
Unang na-mention ang pangalan ni Kobe Paras, isang sikat na basketball player na anak nina Benjie Paras at Jackie Foster. Subalit, pass ang isinagot ni Andrea rito.
Date naman ang isinagot ni Andrea nang mabanggit ang pangalan ng isang national basketball player na si Kai Sotto. Pass muli si Andrea para sa aktor na si JK Labajo.
Ito'y sa kadahilanan na magkaibigan umano silang dalawa at nais niyang manatili sila bilang mag-bestfriend.
Pass din muli si Andrea sa aktor na si Miguel Tanfelix. Samantalang, date naman ang isinagot ni Andrea para sa anak ni Ian Veneracion na si Dreko Veneracion at sa anak ni Jericho Rosales na si Santino.
Samantala, marami ang natuwa ng mapag-usapan nila ang anak ni Ina Reymundo na si Jakob Paturnak. Inamin kasi ni Andrea na hanggang ngayon ay crush pa rin niya si Jakob kaya naman definitely date ang kanyang sagot.
Dagdag pa ni Andrea, "Gusto ko lang sabihin na dati nagpakilala siya sa akin. I was with Bea. Kaso ka-holding hands ko yung ex ko nun. Tapis nagpakilala siya sa akin. Sabi niya, 'Hey Im Jakob'."
Samantala may mensahe naman si Andrea kay Jakob Poturnak na ikinatawa na lamang ng mga netizens.
"Hi Jakob, if you're watching, I'm single na."
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!