Andrea Brillantes at Kyle Echarri Nagwalk-Out Sa Press, Hindi Nagustuhan ang mga Tanong?

Martes, Agosto 29, 2023

/ by Lovely


 Nag-iwan ng katanungan sa ilang mga press people ang pag-alis nina Kyle Echarri at Andrea Brillantes matapos itanong sa kanila ang isang bagay.


Na-korner ng ilang press people ang magkaibigan na sina Kyle Echarri at Andrea Brillantes sa naganap na presscon para sa project nilang Senior High.


Kabilang sa mga naitanong sa kanila ay kung ano ang kani-kanila naramdaman nang mabigyan sila ng pagkakataon na muling magkasama sa iisang proyekto.


Agad naman nilang inamin na masaya sila at nagpapasalamat dahil sa ibinigay sa kanila na pagkakataon na magkasama sa iisang proyekto.


Malaki rin umano ang pasasalamat nila sa kanilang mga tagahanga na sinusuportahan sila. Gayunpaman, iginiit nina Andrea Brillantes at Kyle Echarri na hindi sila loveteam.


Masaya na umano silang makasama pa minsan-minsan sa mga proyekto subalit hindi rin nila inaalis ang posibilidad na makapagtrabaho separately.


Samantala, tila umiwas naman ang dalawa at napa-walk out ng maitanong sa kanila kung totoo ba ang kumakalat na mga chika na muntik na silang magkaroon at nagdidate sila noon.


Kaya naman, lalong lumakas ang hinala ng ilang mga netizens sa naging ugnayan noon ng dalawa bago pa man pumasok ang dating ka-loveteam ni Andrea na si Seth Fedelin.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo