Naging masaya ang interview ni Luis Manzano sa vlogger couple na sina Whamos Cruz at Antonette Gail Del Rosario na inilabas sa kanyang YouTube channel nitong Martes August 22, 2023.
Naging masaya at makwela ang kanilang pag-uusap kung saan kabilang sa kanilang napag-usapan ay ang actress, TV host at vlogger na si Alex Gonzaga.
Sa unang bahagi ng video, seryosong kinamusta ni Luis Manzano sina Whamos at Antonette Gail ngayong isa na rin silang ganap na mga magulang.
Ayon sa kanila, isang malaking blessing na dumating sa kanila ang kanilang anak na si Baby Meteor. Tila nagdala rin umano ito ng swerte sa kanila.
Bagama't noon pa man ay may natatanggap na silang blessings, nagsunod-sunod na umano ito at tila dumoble pa nang lumabas na ito.
Dahil din umano kay Baby Meteor, nagkaroon sila ng motivation na magsikap upang maging stable para na rin sa kinabukasan ng anak.
Ibinahagi din nina Whamos at Antonette ang kanilang love story at kung sino ang unang nag-i love you sa kanilang dalawa.
Naging masaya ang kanilang pag-uusap nang ilang beses ibinuking ni Whamos si Antonette.
Samantala, napasama sa kanilang usapan si Alex Gonzaga nang sinabi ni Luis Manzano na ito ang nagbigay sa kanya ng number ni Whamos para maging guest niya sa kanyang channel.
Dito, pabiro din niyang siniraan ang kanyang kaibigan na si Alex Gonzaga.
"Nung binigay ni Cathy yung number mo, tinanong ko si Cathy. Sabi ko, 'Cathy, nag-usap na kayo ni Whamos, mabait ba?"
"Sabi niya, 'Hindi talaga siya mabait kuya.' Si Alex kasi, malakas talaga manira yan ng ibang tao," pagbibirong paninira ni Luis Manzano.
Dagdag pa ni Luis Manzano, "Peru yun lang, marami siyang subs. So kailangan sipsip lang nang konte sa kanya para maabunan tayo."
Agad naman itong sinaot ng Alex Gonzaga sa comment section ng kanyang video.
"Walangyaaaa ka binanggit mo pala ko sa dulo!! Nakakuha ka na nga ng guest nanira."
Tila hindi naman seryoso si Alex Gonzaga sa pahayag na ito dahil makikitang nilakipan niya ng laughing emoji ang kanyang reply kay laughter emoji ang kanyang mensahe.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!