Viral ngayon sa social media ang ginawang performance ng aktor na si Albie Casino sa Coronation Night ng Mutya ng Cotabato 2023.
Tila lasing umano si Albie Casino habang hinaharana niya ang mga kandidata dahil tila nasubrahan ito sa pagka-hyper.
May mga nagsasabi pang tila nasubrahan ng pampalakas loob si Albie bago ang kanyang performance dahil lumalabas na nagpa-concert na ito at dinogshow na ang nasabing pageant.
Sa kabilang banda, kaagad namang pinabulaanan ng kampo ni Albie Casino na lasing ang aktor habang nagpeperform. Ayon sa manager ni Albie, personal umano niyang tinanong ang aktor kung may katotohanan ba ang isyu.
Nilinaw naman umano ni Albie sa kanya na hindi ito naglasing o uminom bago ang performance.
Ayon pa sa Manager ng aktor, naging ganoon ang performance ng kanyang alaga dahil sa kagustuhan nitong makapagbigay ng saya sa mga manonood.
Hindi lamang umano namalayan ni Albie na tila napapasubra naman ang kanyang energy.
Dalawang kanta umano ang umano ang kinanta ni Albie dahil ang una ay para sa mga kandidata at ang pangalawa naman ay para sa mga manonood.
Kaya naman, bumaba pa ang aktor sa stage upang ipabatid sa mga manonood na para sa kanila na ang kanyang performance.
Isa pa sa ibinigay na dahilan ng manager ni Albie ay ang kondisyon nitong ADHD.
Narito ang mensahe ng manager ni Albie Casino.
“He [Albie] has ADHD kaya always hyper siya. He did only what was told of him to go to the crowd. He didn't drink. Puyat siya. His calltime sa airport was 2am, and flight was 5am.
"Upon arrival in Davao, they brought him straight for rehearsal. Wala pang tulog. Halos dalawang oras din yun na biyahe, kaya nakakapagod din. Pero pinilit pa rin ni Albie na maging lively ang performance niya para sa mga tao."
@gardztv Bakit parang lasing ang beshy ko? haha #albiecasiño #albiecasino #albie #gardz24 #gardz #serbisyongtotoo ♬ original sound - gardz.24
Baka nman boring na Ang audience kaya bin reyk Niya ito.... Hinde dahil may ADHD Siya o lasing....
TumugonBurahin