AJ Raval, Nagrant Galit Na Galit Sa Kanilang Mga Bahers, Bakit Tina-tag Pa Rin Sa Kanyang Post Si Kylie Padilla

Miyerkules, Agosto 16, 2023

/ by Lovely


Hindi na napigilan ng aktres na si AJ Raval ang kanyang galit sa mga netizens na patuloy pa ring bumabatikos sa kanila ni Aljur Abrenica.


Nagagalit na ang aktres na si AJ Raval, dahil sa tuwing nagbabahagi siya ng mga selfies ng nobyong si Aljur Abrenica ay palagi pa rin siyang binabanatan at tinatawag ng kabit ng mga fans ni Kylie Padilla.


Kaya naman, napa live na si AJ Raval kung saan sinagot niya ang mga bashers na hanggang ngayon ay hindi pa rin umano nakakamove on sa naganap na hiwalayan nina Aljur     Abrenica at Kylie Padilla.


Ibinahagi rin ni AJ Raval kung kailan at paano sila nagsimula ni Aljur Abrenica. Ito'y para maging malinaw na ang isyu na siya ang naging dahilan sa paghihiwalay ng dating nagsasamang mag-asawa na sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica.


Ipinagdidiinan pa ni AJ Raval na nakapag move on na silang lahat subalit naiiwan pa rin umano ang kanyang mga bashers.


Ayon kay AJ Raval, kaya hindi na siya nakakapagtimpi ay dahil dinadamay na umano ng mga bashers niya ang kanyang pamilya.


"Si Aljur, nakasama ko siya sa movie na Nerisa that time, friends palang naman kami nun eh. So kung may nakita kayong mga interviews ko na friends kami, totoo yun."


Ayon pa kay AJ Raval, totoo ang lahat ng kanyang mga sinasabing noon sa mga interviews sa movie nila na Nerisa na kuya at friend lamang ang tingin niya kay Aljur Abrenica.


Sa paglipas umano ng panahon ng kanilang pagkakaibigan, niligaw-ligawan na siya ni Aljur Abrenica.


Dahil sa pagiging baguhan pa lamang umano niya sa showbiz at hindi niya alam na dapat palang ilihim ang ganitong uri ng isyu, inamin niya sa isang interview na nanliligaw na sa kanya si Aljur.


Ito umano ang sa tingin niya, pinagmulan ng isyu na siya ang dahilan kung bakit naghiwalay sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla.


Sinabi din ni AJ Raval, na kinilala muna nilang pareho ang isa't-isa. Bago din daw niya sagutin si Aljur ay pinag-usapan din nila ang magiging set up nila ng asawa nitong si Kylie at mga anak nila.


Siniguro naman umano ni Aljur Abrenica sa kanya na wala nang magiging problema dahil hiwalay na talaga sila ni Kylie at sa katunayan ay may bago na umano itong partner sa mga oras na iyon.


Kaya sinagot na umano niya si Aljur Abrenica, bagama't maari umano siyang tawaging kabit dahil kasal naman talaga sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla.


Pero, alam niya at alam ng buong konsensya niya na hindi siya ang naging dahilan ng hiwalayan nila at nag-umpisa umano ang relasyon nila ni Aljur Abrenica na wala na sina Aljur at Kylie.


Ito umano ang katotohanan kahit pa mamatay ang buo niyang pamilya.


Isiniwalat din ni AJ Raval na tumatahol sa ibang kahoy ang mga bashers dahil hindi naman siya ang sumira ng pagsasama nina Aljur at Kylie, sa katunayan, kilala umano niya ang babae pero ayaw na niya itong sabihin pa.


Ayon kay AJ Raval, naging official silang magkarelasyon ni Aljur Abrenica noong July 2022, kaya wala umano silang nilokong tao.


Sinigundahan din niya ang naging panawagan kamakailan ni Kylie Padilla na itigil na ang pantatag sa kanya sa mga sweet posts nila ni Aljur, dahil totoong nakaka-awkward iyon.


Samantala, sa kabila naman ng naging pahayag na ito ni AJ Raval, hindi pa rin nagbago ang pananaw ng ilang mga netizens sa pagiging kabit niya, dahil kasal nga naman sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla.


"Aljur halata na napipilitan ka Lang Mahal na Mahal mo c Kylie nagatawa ka nga pero halata na pilit Lang saying Lang idol pa Naman kita"


"Wag ka ng magalit kasi si aljur kasal parin ky kylie. Hintayin mo muna hangat maanull and void ang kasal nila."


"Eh sino ang gumawa ng kasalanan, sana wag kang magalit kasi  syempre nagreact lang ang mga fans kasi  kasal parin si aljur ky kyle, kasalanan mo parin yon sa mata ng dios, sana hinintay mo na maganull sila"



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo