Hindi na nakapagtimpi ang aktres na si AJ Raval sa mga nambabatikos pa rin sa kanya na inaakusahan siyang siya ang naging dahilan ng hiwalayan ng mag-asawang Aljur Abrenica at Kylie Padilla.
Sa kamakailang Facebook live ni AJ Raval, nanindigan siyang wala siyang nilokong tao sa pakikipagrelasyon niya kay Aljur Abrenica. Alam umano ito ng Dios maubos mang mamatay ang kanyang pamilya.
"I swear to God, wala kaming nilokong tao. Mamamatay man ang buong pamilya ko," mariing pahayag ni AJ Raval.
Labis na rin niyang ikinainis ang mga nagtatag kay Kylie sa kanilang mga post ni Aljur Abrenica at hindi na rin niya nakayanan ang mga natatanggap na negatibong komento laban sa kanya.
Tanggap naman umano niya na maari siyang tawagin na kabit dahil kasal pa sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla subalit iyong paratang na isa siyang homewrecker ang hindi niya matanggap.
Pinagdidiinan din ni AJ Raval sa kanyang Facebook live na hindi siya ang babaeng naging dahilan kung bakit naghiwalay sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica.
Sa katunayan ay kilala umano niya kung sino ito pero hindi na lamang umano siya magni-name drop.
Ayon pa kay AJ Raval, nag-umpisa ang relasyon nila ni Aljur sa panahong may ibang partner na rin si Kylie Padilla.
Bukod sa pagiging kasal ni Aljur, maayos silang nag-umpisa dahil nagsimula muna sila sa ligawan. Kinilala muna umano nila ang isa't-isa, bago simulan ang serious relationship.
Kinausap din umano niya ng masinsinan noon si Aljur patungkol sa kanilang magiging set-up ng kanyang asawa at mga anak.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!