AJ Raval May Inamin Sa Buntis Isyu at Nanawagan Ito Sa Sambayanan!

Lunes, Agosto 28, 2023

/ by Lovely


 Nagbigay na ng pahayag ang sexy actress na si AJ Raval at nilinaw na ang matagal ng isyu patungkol sa kanyang pagbubuntis na naging dahilan umano kung bakit pansamantalang nawala siya sa limelight.


Sa isang Facebook live, nilinaw na ni AJ Raval na wala pa siyang anak at kailanman ay hindi pa umano siya nabuntis. Ang dahilan umano kung bakit humino muna siya sa pag-arte at umiiwas sa social media ay dahil sa kanyang mga bashers.


Dagdag pa ni AJ Raval na marami rin umano siyang inunang ibang bagay kaysa sa pag-arte kabilang na ang kanyang pag-aaral.


Bumalik sa pag-aaral si AJ Raval sa pamamagitan ng Alternative Learning System (ALS).


Kaya naman nananawagan siya sa lahat na itigil na ang mga isyu dahil hindi naman umano ito nangyari.


Matatandaan na kamakailan lamang ay naiulat ang pagtatapos ni AJ sa ALS kaya naman tila may katotohanan din na talagang mas binigyang pansin ng actress ang kanyang pag-aaral.


Sa ngayon ay tila nalampasan na ni AJ Raval ang pambabatikos ng mga netizens dahil hayagan na nilang ipinapakita ni Aljur Abrenica ang kanilang sweet moments sa social media at maging sa harap ng kanilang mga fans.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo