AJ Raval Ibinunyag Ang Tunay Na Dahilan Ng Hiwalayang Kylie Padilla at Aljur Abrenica!

Lunes, Agosto 21, 2023

/ by Lovely


 Kinumpirma ng sexy actress na si AJ Raval na pagkakaroon ng kabit ni Aljur Abrenica ang totoong dahilan ng hiwalayan nila ng asawang si Kylie Padilla.


Gayunpaman, mariing iginiit ni AJ Raval na hindi siya ang naging kabit noon ni Aljur Abrenica.


"Kung may naganap mang lokohan sa relasyon nilang dalawa noon, hindi ako yung involve na babae. Hanapin niyo na lang kung sino yun.


"Pero ako kilala ko yung babae, kung sino siya, ayoko na lang talagang mag name drop," saad ni AJ Raval.


Ayon pa sa pagsisiwalat ni AJ Raval na sa tuwing may nababasa siyang nambabash sa kanya ay nate-tempt din siyang pangalanan na ang totoong may sala kung bakit naghiwalay ang mag-asawa.


Subalit, pinipigilan umano niya ang kanyang sarili dahil ,ay sariling pamilya na rin ang babae.


"Huwag na, kawawa din kasi alam kung may baby na rin yung girl o kung sino man yun."


Samantala, bagama't aminadong apektado sa bashing na natatanggap at mga negatibong komento ng mga netizens, patuloy pa rin ang pagbabahagi nina AJ Raval at Aljur Abrenica sa kanilang sweet moments sa Canda.


Makikita sa mga kumakalat ngayong social media posts ang pagyayakapan at paghahalikan ng dalawa kahit pa sa mga pampublikong lugar.


Sa kabilang banda, sa kabila ng paggigiit ni AJ Raval na hindi siya ang babaeng sumira sa pamilya nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica nakakatanggap pa rin siya ng mga pambabatikos.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo