Muling nanawagan ang sexy actress na si AJ Raval sa kanyang mga bashers at lahat ng mga netizens na tigilan na siya sa pagtawag na kabit dahil hindi umano siya ganun.
Muli rin niyang ipinunto na wala silang nilolokong tao sa pagkakaroon nila ng relasyon ni Aljur Abrenica.
Sinabi rin ni AJ Raval na ayaw niyang ma-stress si Kylie Padilla kaya dapat itigil na talaga ng mga netizens ang pagtatag kay Kylie sa kanilang mga sweet post ni Aljur Abrenica.
"Pakinggan niyo si Kylie, tama na yung pagta-tag sa kanya. Nananahimik yung tao, ini-stress niyo. Ini-stress niyong," tila naiinis nang pahayag ni AJ Raval.
Dagdag pa niya, "Alam niyo, kung sino ang atakehin niyo yung talagang taong gumawa ng kasalanan sa kanila."
Samantala, patuloy pa ring nagsilabasan ngayon sa ilang mga social media platforms ang mga larawan at videos nina AJ Raval at Aljur Abrenica.
Inamin rin ni AJ Raval na bagama't naiinis siya sa mga negatibong komento laban sa relasyon nilang dalawa, mas nanaig pa rin ang kagustuhan niyang ipagsigawan sa lahat at masasayang moment nila ni Aljur Abrenica.
Hindi na umano sila magtatago dahil wala naman silang niloko dahil talagang hiwalay na sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica nang pumasok siya sa buhay ng aktor.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!