Napakalakas talaga ng karisma ng sexy actress na si AJ Raval kaya naman labis na nahuhumaling ngayon sa kanya ang kanyang nobyo na si Aljur Abrenica.
Marami pang mga nagsasabing halos langgamin na ang mga ito habang nasa Canada sila. Palagi umano silang namamataan na nagtutukaan ang dalawa kahit pa sa harap ng kanilang mga tagahanga.
Kamakailan lamang ay nag-show sina Aljur Abrenica at AJ Raval sa Canada. Tila hindi rin nila mapigil ang kanilang nararamdaman sa isa't-isa dahil kahit sa harap ng kanilang mga tagahanga ay nagpapalitan sila ng kiss sa isa't-isa panay rin ang pagyayakap nila sa isa't-isa.
Matatandaan na kamakailan lamang ay muling nakatanggap ng pambabatikos si Aljur Abrenica dahil wala siya sa naganap na birthday party ng anak nila ni Kylie Padilla.
Ayon sa ilang mga netizens, mas inuna pa umano ni Aljur Abrenica ang pakikipaglambingan sa kanyang nobya at pagchi-chill sa Canada.
Gayunpaman, tila trabaho naman ang isa sa mga dahilan ni Aljur Abrenica at AJ Raval sa Canada. Marami rin ang nagsasabing tiyak naman umanong gagawa rin ng paraan si Aljur Abrenica na makabawi sa kanyang mga anak kay Kylie Padilla.
Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na palagi namang nagbibigay ng oras si Aljur Abrenica sa kanyang mga anak kay Kylie Padilla.
Sa kabila ng hayagang relasyon nina AJ Raval at Aljur Abrenica at ang paglilinaw nina Kylie Padilla na hindi si AJ Raval ang dahilan ng kanilang paghihiwalay ni Aljur, marami pa rin ang naiinis sa aktres dahil sa pagpatol nito sa lalaking kasal at may mga anak na.
Patuloy pa rin nilang pinagsasabihan at tinatawag na kabit si AJ Raval. Gayunpaman, tila alam naman na ni AJ Raval ang kanyang lugar at pinapabayaan na lamang niya ang mga hanash ng mga bashers.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!