Abogado Ng TAPE Inc. Kakasuhan si Jose Manalo Ng Trademark Infringement Dahil Sa Pagbanggit Sa Pangalan Ng Eat Bulaga

Miyerkules, Agosto 16, 2023

/ by Lovely


 Naging mainit na usapin sa social media ang pahayag na binitiwan umano legal counsel ng TAPE Inc. patungkol sa pagkakabanggit ni Jose Manalo sa pahayag na Eat Bulaga sa nagdaang episode ng Sugod Bahay Mga Kapatid segment ng E.A.T.


Matatandaan na tila hindi sinasadyang mabanggit ni Jose Manalo ang Eat Bulaga sa nasabing segment ng show. Napareact naman umano kaagad ang kampo ng mga Jalosjos at sinabing maari nilang kasuhan si Jose Manalo ng Trademark Infringement.


Subalit, ayon sa ilang mga netizens na hindi naman ito maari at parang nakalimutan na yata umano ng abogado ng TAPE Inc. ang batas dahil kung makakasuhan nila si Jose Manalo ay maari na rin nilang kasuhan ang lahat ng taong bumabanggit ng Eat Bulaga sa kanilang vlogs.


Ipinupunto pa ng ilan na ang hawak na trademark ng TAPE Inc. sa Eat Bulaga ay ang mga merchandise lamang nito at hindi ang entertainment. Ibig umanong sabihin, walang pagkakamali sa side ni Jose Manalo dahil hindi naman ito nagbenta ng mga merchandise ng Eat Bulaga.


Matatandaan na tila pumanig sa TAPE Inc. ang IPO matapos ang pagpapalabas nito ng Certificate of Renewal of Registration para sa TAPE Inc.


Nakasaad sa nasabing papeles na ma-eextend ng sampung taon ang pagmamay-ari ng TAPE Inc. sa trademark ng Eat Bulaga.


Subalit, sa kabila nito tuloy pa rin ang pakikipaglaban ng TVJ para sa copyright ng Eat Bulaga.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo