Tila lalo pang nadiin ang Kapamilya actor na si Awra Briguela matapos ilabas ng Pambansang Marites na si Xian Gaza ang ilang videos at CCTV footages sa loob ng bar kung saan naganap ang rambulan na kinakasangkutan ni Awra.
Makikita sa nasabing footage ang mga kaganapan bago ang rambulan nina Awra at ng ilang mga kalalakihan.
Gayunpaman, sa kabila nito, may ilan pa ring mga social media personalities at mga celebrities, maging ang ilang mga netizens ay naniniwala pa rin kay Awra.
Hindi umano kumbinsido ang mga ito na magagawa ni Awra ang mga bintang sa kanya ng complainant. Nagdududa rin umano sila dahil hindi naman umano kumpleto ang ipinakitang CCTV footages.
Samantala, nagbigay naman ng reaksyon ang controversial vlogger na si Zeinab Harake hinggil sa kumakalat na CCTV footages ni Awra. Hinahanap ni Zeinab Harake ang original audio nito at kinukwestyon din niya kung bakit mayroon itong narrator.
Napansin din umano ni Zeinab na may maraming cuts ang CCTV footages.
Ni retweet pa ni Zeinab ang isang tweet ng fans kung saan hinahanap din nito ang original CCTV footage umano na may audio at walang narrator.
"Inaantay pa din namin ang full footage ng cctv with sounds and please yung walang narrator."
Hindi naman ito nakakagulat dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ang pagiging malapit nina Zeinab Harake at Awra Briguela.
Sa katunayan, kabilang si Awra Briguela sa group of vlogger ni Zeinab Harake na Team Zebby.
Sa ngayon patuloy pa rin ang debatehan ng mga netizens kung ano-ano ang totoong kwento sa likod ng pagkakaaresto ni Awra Briguela.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!