Zeinab Harake at Toni Fowler Nagkaayos Na Dahil Kay Vice Ganda sa GMA Gala

Lunes, Hulyo 24, 2023

/ by Lovely


 Tuluyan nang nagkaayos sina Zeinab Harake at Toni Fowler sa naganap na after party ng GMA Gala noong sabado, July 22, 2023.


Ang balitang ito ay isiniwalat mismo ni Vice Ganda sa kanyang social media account kung saan ibinahagi niya ang kanyang best moments sa nasabing event.


Naging posible pa umano ang reconciliation ng dalawa dahil na rin sa tulong ni Vice Ganda. Nagkasama-sama ang mga Kapuso, Kapamilya at ilang mga content creators na naimbitahan sa GMA Gala sa after party.


Dito na nga nagkaroon ng pagkakataon na magkita at magkausap muli sina Zeinab Harake at Toni Fowler at sa tulong nga ni Vice Ganda tuluyan nilang naayos ang matagal nang hindi pagkakaunawaan.


Matatandaan na parehong malapit kay Vice Ganda sina Toni Fowler at Zeinab Harake. Kaya naman hindi naging mahirap para kay Vice Ganda na tuluyang mapag-ayos ang dalawa.


Nagsimula ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan nina Zeinab Harake at Toni Fowler noong nakaraang October 2022. Kung saan isiniwalat ni Wilbert Tolentino ang ilang mga pag-uusap nila ni Zeinab Harake tungkol sa ibang mga content creators.


Kabilang sa mga isiniwalat ni Wilbert Tolentino ang tungkol kayt Toni Fowler at sa buong Toro Family. Agad na umalma rito si Toni Fowler at naglabas naman ng mga baho ni Zeinab Harake.


Agad namang nagchat kay Toni Fowler si Zeinab Harake noong panahong iyon kung saan ipinaliwanag niya ang kanyang side at humingi na rin ng tawad kaya nagkaayos na sila.


Saludo naman si Toni Fowler sa ginawa ni Zeinab Harake at humingi rin siya ng tawad rito noon dahil sa kanyang pagganti.


Pero iba naman sa pagkakataong ito dahil personal na silang nagkaayos.






Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo