Hayagang inamin ng vlogger na si Zeinab Harake na kasalukuyang nasa bahay niya namamalagi ngayon ang kanyang boyfriend na si Bobby Ray Parks Jr.
Kasama ni Zeinab Harake sa kanyang kamakailang Instagram live ang kanyang boyfriend na si Bobby Ray Parks Jr. Naitanong ng isang follower ni Zeinab kung kasalukuyan na ba silang nagsasama sa iisang bubong ngayon ni Bobby Ray Parks Jr.
Agad namang inamin ng dalawa na kasalukuyang naninirahan ngayon si Bobby Ray Parks Jr. sa bahay ni Zeinab Harake upang makasama rin umano nito ang mga anak ni Zeinab na sina Baby Bia at Lucas.
Ibinahagi pa ni Zeinab na malapit ang mga bata kay Ray lalo na si Lucas. Hinahanap pa daw ni Ray si Lucas sa kanya noong nasa kanyang kuya ang bata.
Babalik pa naman umano si Bobby Ray Parks sa Japan kapag matapos na ang laro nito sa Gilas Pilipinas.
Kaya naman tila sinusulit nang dalawa ang mga araw na nagkakasama pa sila.
Samantala, marami sa mga fans ni Zeinab Harake ang humihiling na sana ay alagaan ni Ray Parks si Zeinab Harake at hindi na umano ito sasaktan kagaya ng mga naunang boyfriends ng vlogger.
"I soooo love watching you both ray parks and zeinab,wish ko sana kau na talaga ang magkatuluyan,ipag pray ko na magkaroon ka na ng FOREVER mo,kc super deserve mo talaga"
"halatang inlove na inlove si ray kay Z ❤looks like hes a good guy too."
"Inaaya nya mag church si Zeinab sana nga iba kapag nasa center si God❤😊grabe sana kau na talaga.tingin ko kalmadong tao si daddy Ray sana si momshie Zeinab bawasan ung mga nega issue sa life."
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!