Sa paglalabas ng Pambansang Marites na si Xian Gaza ng mga CCTV footages at mga video na kuha mismo sa loob ng Bot Hole Bar sa Makati, tila pinatunayan umano nitong totoo ang pahayag ng complainant na nagsampa ng kaso kay Awra Briguela na nagpakilalang si Christian Mark Ravana.
Base sa mga naunang mga ulat, ipinagtanggol si Awra ng kanyang mga fans at malalapit na kaibigan sa showbiz. Ipinahayag ng mga ito kung gaano ka bait na kaibigan ni Awra.
Ipinunto pa ng iba na nagawa lamang ni Awra na makigulo dahil inargabyado ang kanyang mga babaeng kasamahan sa loob ng bar.
Maging ang programa ni Sen. Raffy Tulfo ay nakatutok rin ngayon sa nasabing isyu. Kinausap pa mismo ni Sen. Raffy ang Chief of Police sa presintong pinagdalhan kay Awra.
Base sa pag-uusap nila, napag-alaman na tila mas pinakikinggan ng mga pulis ang pahayag ng kalalakihan. Nang tanungin naman ito ng Senador kung ano ang sa tingin nila na dahilan ni Awra sa pagwawala, dinahilan pa ng mga pulis ang pagiging gay ng Kapamilya talent.
“Eh alam mo naman, si Awra is gay. Gusto niyang makita ‘yung magandang katawan,” pahayag ng Pulis.
Agad naman itong inalmahan ni Sen. Raffy Tulfo at pinangaralan pa ang nasabing pulis.
Subalit, sa pagpapalabas ngayon ng mga CCTV footages kung saan kitang-kita ang nangyari, mapapalagay na may katotohanan ang mga isinisiwalat ni Mark.
Sa isang 18 minute, detalyadong ipinaliwanag ng isang tao ang sa tingin niya naganap sa loob ng bar.
Ayon rito, may naganap na dare sa pagitan ni Awra at ng lalaki. Pinaghubad umano ito ni Awra ng pantalon na inayawan naman nito.
Hindi naman umano tumigil si Awra at pinagpilitan pa na tuparin ng lalaki ang dare.
“Gusto niyang paghubarin yung guy kaso ayaw nga nung guy.”
Subalit, marami pa rin sa mga fans ni Awra ang nagdududa kung may katuturan nga ba ang video dahil wala naman umano itong sounds at may nag-narrate lang.
Kaya naman, muling nagbahagi si Xian Gaza ng video kung saan maririnig ang mga sigaw na 'thing' na pinaniniwalaan na ang 'dare' na nila iyon.
Ayon pa kay Xian Gaza ang mga videong ito ay nasubmit na sa PNP upang maging ebedensya.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!